Sunday, October 29, 2017

SINGKWENTA

Numero, kalahati ng isang siglo
Sa ilan ay ‘achievement’ sa iba naman ay kargo
Lumalapad, lumalaki, kadalasan ay lumulobo
Bumabagal, bumibigat, umiinit lagi ang ulo
Maraming pagbabago  sa loob at labas ng katawan
Dumadalas na rin ang dalaw sa mga pagamutan
Marami na ang bawal mukhang di na nga mabilang
Kaya kapag nakakita ng taba lalong natatakam

Bawat ‘lab exam’ ay ‘paranoia’ ang hatid
Alin kaya ang mas marami ‘negative o positive’?
‘Psychosomatic’ dahil sa laging pag-iisip
Tumataas na ‘BP’ nakapaninikip ng dibdib
Habol na hininga at nangangalos na tuhod
Sa bawat pagkayod mas dumadalas ang tukod
Hirap na nga bago makarating sa tuktok
‘Maintenance’ pa ang sagot kapag nananakit ang batok

Singkwenta, wag mataranta
Bilang lang yan kaya pang rumatsada
Kung “at risk” ka na pwedeng mabago pa
‘Lifestyle change’ hanggang may oras pa

Buhok na numinipis, tuktok na lumilitaw
Lumalapad na noo, matang bawas na ang linaw
Gasgas na lalamunan kahit sa munting pagsigaw
Bumabagal ang paa pero bumibilis ang mga araw
‘Stress’ sa trabaho nadadala pati sa bahay
Para ma ‘relieve’ pausok ng yosi at “kampai”
Kung bitin sa loob may barkadang naghihintay
Tuloy ang ligaya lumagok ng sabay sabay

Mas maraming naiipon kaysa sa nasusunog
Kulang sa paggalaw mas madalas ang panonood
Kung hindi kulang ay sobra naman sa tulog
Kaya sa konting akyat lang madaling napapagod
Nagiging mainipin at umiikli ang pasensiya
Lalo na kung ang pantalon ay hindi na nagkakasya
Magaling na ‘critic’ pero ayaw na makontra
Ganito siguro talaga kapag nag singkwenta na

Singkwenta, wag mataranta
Bilang lang yan kaya pang rumatsada
Kung “at risk” ka na pwedeng mabago pa
‘Lifestyle change’ hanggang may oras pa

Di natin mapipigilan ang takbo ng panahon
Dadaan ang mga araw, buwan at mga taon
Ngunit kung mas makabuluhan bawat pagkakataon
Mas magagandang mga alaala ang ating maiipon
Mahirap magkasakit lalo na kung gipit
Kung kani-kanino tayo mapipilitang lumapit
Kaya habang kaya pa ng katawan at pag-iisip
Ano ba ang masama kung tayo ay maging ‘fit’?

Singkwenta, wag mataranta
Bilang lang yan kaya pang rumatsada
Kung “at risk” ka na pwedeng mabago pa
‘Lifestyle change’ hanggang may oras pa

RMP
10/29/17
Winnipeg MB Canada

Sunday, October 22, 2017

DU30 VS VP LENI FLIPTOP BATTLE (WASAKAN EDITION PART 1)

Mga Ka FB, mag-ingay!!!!!

Round 1

VP Leni

Hoy Duterte ganyan ba ang presidente?
Mura ka ng mura letse ka ng letse
Andame mong sinasabe pumapatol pa sa babae
Pati legs ko pinagtripan mo wala ka talagang silbe
Wala kang finesse asal mo ay asal kalye
Pati lider ng ibang bansa basta mo na lang dinadale
Dapat prim and proper ka gayahin mo akong umere
Yung laman ng bibig mo tuloy parang nangangamoy tae

Pinakawalan mo si GMA, pinakulong mo si De Lima
Bangkay ng diktador nasa libingan ng bayani na
Dami mo na ngang nagawa mula nang makaupo ka
Hindi na nga mabilang ang mga taong iyong minura
Bakit di mo ako gayahin soft spoken magsalita
Banayad ang dating kaya gusto ako ng madla
Ang gaan ng aura kapag nakikita sa mga balita
Projection ko pa lang solve na dina kailangan ang dada

Time!!!

Du30

Tang ___ ka Leni eh andami mo rin palang satsat
Humanda ka sa rebuttal ko daig mo pa ang nilagnat
Oo nagmumura ako at harapan akong bumabakbak
Hindi katulad mo na sa likod nananaksak
Totoo rin na pumapatol ako sa mga babae
Alangan namang tulad mo na pumapatol sa lalake
At yang legs mo huwag mo na ngang ipagmalake
Pinuri ka na nga  pa demure ka pang bise

Katulad ka rin ni Mar na mahilig mag project sa media
Kailangang makunan mga anggulong makamasa
Eh ang problema halata namang peke ang mga tirada
Di na nga totoo nagmumukha ka pang tanga
Pinakawalan, pinakulong at pinalibing?
Mga legal na basehan hindi sa akin nanggaling
Soft spoken ka nga na mahilig magmagaling
Eh kasama mo naman si senators noted at trililing

Time!!!

Round 2

Du30

Oh ano hindi ka ba nagugulat?
Tang ___ round 1 pa lang wasak ka na agad
Patikim pa lang yan marami pang sasambulat
Bawat linyang bibitawan parang halimaw na kumakagat
Ang ingay mo ngayon pati ng iyong mga kasama
Bakit tahimik kayo nung Mamasapano at Yolanda?
Kung hindi ka selective bakit parang kabayo ka
Kung saan irenda doon ka pupunta

Walang narinig  sa inyo nung kainitan sa Luisita
Sa Kidapawan masaker wala lang, patay malisya
Mas ok pa sa iyo mag pa picture ng nagpipintura
Yan ba ang projection na sinasabi mo kanina?
Nanginginig ka na ngayon pa lang ako nag-iinit
Sabihin mo ngayon na ang daan nyo ay matuwid
Hanggang ngayon hindi ka pa ba nagtataka
Yung rehimen ng amo mo ay republikang walang plaka

Time!!!

VP Lenie

Pano ako magugulat eh lahat ng sinabi mo ay totoo naman
Naniwala ka naman agad tanda yun ay patawa lang
Bawat bintang mo ay pawang kasinungalingan
Ako at lahat ng kasama ko ay talagang para sa bayan
Saka kailanman di mo ako kayang takutin
Bicolana ako sili ang aming kinakain
Kaya kung paanghangan lang di kita sasantuhin
Kapag linya ko ay nag-apoy sa kangkukan ka pupulutin

Yung kontra droga mo sablay naman at palpak
Pa 6 months 6 months ka pa eh dami pa ring bumabatak
Yung mga libong pinatay sa bala at saksak
Karamihan ay galing sa pamilya ng mahihirap
Big time na itinumba hindi kaya karibal lang
Eh sabi nga ni Mar dami ng droga kahit sa Davao man
Republikang walang plaka ok lang sa amin yan
Kaysa naman sa kalsada na panay bangkay ang laman.

Time!!!

Round 3

VP Leni

Oh ano sumasakit na ba ang ulo mo
Fentanyl pa more nang lalo kang magmukhang talo
Nagulat ka ba sa mga bawat linyang binibitawan ko
Kung Dabawenyo ka uragon naman ito
So ano ang tingin sa iyo ng international community
A ruler overwhelmed by your own insanity?
Tumulad ka sa akin full of diplomacy and dignity
Fresh laging tingnan kaya dumarami ang kakampi

Huling mga linya na kaya ito na ang iyong sentensiya
Wala nang pasubali ikaw mamaya ang tutumba
Ano panakot mo mga blogs ni TP at ni Mocha?
Kung talagang matapang ka sa waiver pumirma ka
Ako ang papalit kapag masa ay magigipit
Sagad mo pa ang kapalpakan at lalo akong nag-iinit
Padagdag ng padagdag patakarang sumasabit
Mukhang katapusan mo ay palapit na nang palapit

Time!!!

Du30

Oo totoo sumasakit na nga ang ulo ko
Hindi ko maintindihan ang iyong mga argumento
Linya mo ay linya rin ng mga dilawang manloloko
Abogado ka nga ba o figurehead ni Roxas at Aquino?
Sentensiya ba kamo at ako ang matutumba
Sino sa atin ang baliw mukhang ikaw ay delirious na
Panong ikaw ang papapalit kung term ko ay matapos na
Tandaan mo  madam may isang Bongbong pa

Panay kayo human rights eh bugbog na nga ang bayan
Ano ang ginawa nyo  nung kayo ang nasa pamunuan?
Bineybi nyo ang druglords at rebeldeng sandatahan
O baka naman talaga kasama kayo sa mga sabwatan
Nagsisimula pa lang ako marami pa kong dapat gawin
Mas marami kayong kapalpakan na dapat kayong panagutin
Kung ang tira nyo ay palusot para pangalan nyo ay linisin
Bayan na ang huhusga sino ang dapat kalusin

Time!!!

RMP
10/22/2017
Winnipeg MB Canada









LANGOY, SIKAD, TAKBO

Madilim pa lang handa nang lumarga
Naghihintay na ang tubig pati ang kalsada
Panlangoy, pantakbo pati ang bisikleta
Ngayon na ang laban simula na ng arangkada

Buo na ang isip at handa na ang katawan
Kahit may kaba tuloy na ang bakbakan
Mainit man o malamig, maaraw man o maulan
Isang taimtim na dasal sabak na sa paglaban

Langoy, sikad, takbo
Wag titigil hanggang sa dulo
Labang inumpisahan ay matatapos ko

Naninigas na kalamnan at tuyot na lalamunan
Nilalakbay na kalsada parang walang katapusan
Habol ang hininga lumalayo ang mga pagitan
Kahit sa mumunting galaw ramdam ang kapaguran

Subalit tuloy lang kahit nahihirapan pa
Babawi ng lakas kapag dulo ay malapit na
Buhos na kung buhos arya na kung arya
Tatapusin ang karera kahit distansiya’y milya milya

Langoy, sikad, takbo
Wag titigil hanggang sa dulo
Labang inumpisahan ay matatapos ko

Patag, tarik, lupa man o konkreto
Ahon, lusong at kurbadang delikado
Mahirap man gawin kumpleto ang rekado
Kunsuwelo na lamang medalya at papremyo

Langoy, sikad, takbo
Wag titigil hanggang sa dulo
Labang inumpisahan ay matatapos ko

Langoy, sikad, takbo
Wag titigil hanggang sa dulo
Labang inumpisahan ay matatapos mo

RMP
10/21/2017
Winnipeg MB Canada


Sunday, October 8, 2017

MASTER RAPPER

Man from Manila with 3 stars and a sun
He said, “you can’t talk peace and have a gun”
The master rapper is second to none
A loving father, friend, husband and son

The mouth, his words from his pen and ink
The way of his tongue will surely make us think
Each rhyme, each line is clearly in sync
When he’s on air we can feel the link

RMP
10/7/17
Winnipeg MB Canada

Wednesday, October 4, 2017

PROXY WAR

“What difference does it make to the dead, the orphans and the homeless, whether the mad destruction is wrought under the name of totalitarianism or in the holy name of  liberty or democracy?" Mahatma Gandhi

Power brokers from a foreign land
Collude with those who are in command
Making a killing with an invisible hand
Spreading the conflict is simply well-planned

Picking their fights but they don’t engage
They prefer to watch all the wars they wage
A dubious contract is signed on every page
The broken ground creates a landing stage

Cry for liberation in the name of democracy
A chaotic aftermath is a troubled society
A never-ending tale of unabated infamy
Minds are imprisoned in lies and bigotry

A proxy war then is just a business affair
Turning carnage into a recurring nightmare
Where people are dying, blood is everywhere
A man-made vacuum becomes a warlord’s lair

RMP
10/3/2017
Winnipeg MB Canada

Sunday, October 1, 2017

SHOTS FIRED!

"Conflict cannot survive without your participation." Wayne Dyer

they’ve started it all
countless will pay the price
a war has just begun
there’ll be no warning device
skirmishes are all around
random targets are on sight
shots fired from a distance
someone’s picking a fight

familiar with the terrain
enemies play hide and seek
appearing to be strong
within they’re colored clique
covering both flanks
their bullets ricochet
caught in between
are their unsuspecting prey

shots from different directions
crosshairs on a single mark
turncoats are on a mission
to ignite and fuel the spark
this conflict won’t ever end
the enmity is too deep
shots will be fired
while lives become too cheap

RMP
9/30/2017
Winnipeg MB Canada