Kadalasan nga dahil ito sa mga propaganda
Kung kalat ang “fake news” ay ’wag nang magtaka
Nasa level na yan ng bias mo kung maniniwala ka
Liko na itinutuwid, tuwid na inililiko
Depende lang yan kung sino ang pasimuno
Kung galing sa kakampi kaisipan ay magtatagpo
Kung mula sa kalaban ang pinanggalingan ay bano
Wag nang pahirapin simple lang ang equation
Ang political survival ay nakabase sa information
Ang mali at tama depende sa mga pagkakataon
At kung paano napaikot ang isip ng mga kampon
Bawat mga kampo ay pare-pareho lang naman
May mga “spin doctors” na libre at binabayaran
May mga tagasunod na laging nag-aabang
At handang bumanat kung ang tirada ay kulang
RMP
2/26/18
Winnipeg MB Canada
No comments:
Post a Comment