pasa-pasa at hiraman
kailangang pagtulungan
tuloy ang laban
kahit na nahihirapan
unti-unti matitibag
pagsamahin lang ang lakas
patuloy ang pagpalo
patuloy ang paghampas
humihina na ang bato
unti-unti nang nababasag
ilang hataw na lang
tuluyan nang mawawasak
kung napapagod na
may iba namang hahawak
konting pukpok pa
at tuluyan nang babagsak
ngunit may nakisali
galing sa kung saan
hiniram ang maso
at makikipukpok lang
nung makitang mahina na
sila na ang nakialam
nang madurog ang bato
sila daw ang may kagagawan
ang masong hiniram
sila na ang gumamit
ang hiniraman
kanilang iwinaglit
nung kinukuha na
lalo pang nagalit
sa halip na katahimikan
kaguluhan ang inihasik
RMP
2/25/18
Winnipeg MB Canada
No comments:
Post a Comment