Sunday, February 25, 2018

EDSA

pinatalsik ang diktadura
pinalitan ng taga Luisita
bago mag isang taon
may masaker na sa Mendiola
naging sunud-sunuran
sa dikta ng oligarkiya
at ng mga kaalyadong
galamay dati ng pasista

nagsisimula pa lang
naghiwalay na ng landas
yung mga dating pinalaya
balik sa likod ng mga rehas
kabi-kabila at sunud-sunod
ang mga naging pag-aaklas
ang tinuring na rebolusyon
isa lamang palang palabas

rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?

kaya tuloy ang saya
sa palasyo at asyenda
para manatili ang US Bases
nanguna pa sa martsa
akala natin makabayan
eh tuta din pala
wala ring pagbabago
mukhang mas lumala pa

naging prayoridad
ang pag-usig at pagganti
sa halip na bayan
ang inuna ay sarili
utang na loob
dumagsa sa kakampi
kaya heto ang bayan
nasadlak sa pagsisisi

rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?

maraming naloko
pati yung mga matatalino
elitistang isnabero
astang uring edukado
yung mga naki-ride on
ngayon ay mukhang gago
naging makabayan agad
kumampi lang kay Aquino

may utang na dugo
mga promotor ng EDSA
dugo ng mga magsasaka
na bumaha sa Mendiola
si Lean Alejandro
at si Ka Lando Olalia
ilan lamang sila
sa napakaraming biktima

rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?

RMP
2/24/18
Winnipeg MB Canada




No comments:

Post a Comment