“On many issues, empathy can pull us in the wrong direction. The outrage that comes from adopting the perspective of a victim can drive an appetite for retribution.” Paul Bloom, as cited from Brainy Quote
joining in the frenzy
is turning into a hobby
a primal urge is tempting
it’s addictive to some degree
offensives are being launched
against those groups who disagree
words are transformed into weapons
the timeline’s a target of a shooting spree
lines are being drawn
the political division is clear
name calling now reverberates
each group shouts a rousing cheer
a historical conflict will be prolonged
and will thrive in an antagonistic sphere
relationships will bear the incurable wounds
inflicted by retribution and reconditioned fear
RMP
2/27/18
Winnipeg MB Canada
Tuesday, February 27, 2018
Monday, February 26, 2018
PSYWAR
Hindi lang sa bala naipapanalo ang giyera
Kadalasan nga dahil ito sa mga propaganda
Kung kalat ang “fake news” ay ’wag nang magtaka
Nasa level na yan ng bias mo kung maniniwala ka
Liko na itinutuwid, tuwid na inililiko
Depende lang yan kung sino ang pasimuno
Kung galing sa kakampi kaisipan ay magtatagpo
Kung mula sa kalaban ang pinanggalingan ay bano
Wag nang pahirapin simple lang ang equation
Ang political survival ay nakabase sa information
Ang mali at tama depende sa mga pagkakataon
At kung paano napaikot ang isip ng mga kampon
Bawat mga kampo ay pare-pareho lang naman
May mga “spin doctors” na libre at binabayaran
May mga tagasunod na laging nag-aabang
At handang bumanat kung ang tirada ay kulang
RMP
2/26/18
Winnipeg MB Canada
Kadalasan nga dahil ito sa mga propaganda
Kung kalat ang “fake news” ay ’wag nang magtaka
Nasa level na yan ng bias mo kung maniniwala ka
Liko na itinutuwid, tuwid na inililiko
Depende lang yan kung sino ang pasimuno
Kung galing sa kakampi kaisipan ay magtatagpo
Kung mula sa kalaban ang pinanggalingan ay bano
Wag nang pahirapin simple lang ang equation
Ang political survival ay nakabase sa information
Ang mali at tama depende sa mga pagkakataon
At kung paano napaikot ang isip ng mga kampon
Bawat mga kampo ay pare-pareho lang naman
May mga “spin doctors” na libre at binabayaran
May mga tagasunod na laging nag-aabang
At handang bumanat kung ang tirada ay kulang
RMP
2/26/18
Winnipeg MB Canada
Sunday, February 25, 2018
MASO
pasa-pasa at hiraman
kailangang pagtulungan
tuloy ang laban
kahit na nahihirapan
unti-unti matitibag
pagsamahin lang ang lakas
patuloy ang pagpalo
patuloy ang paghampas
humihina na ang bato
unti-unti nang nababasag
ilang hataw na lang
tuluyan nang mawawasak
kung napapagod na
may iba namang hahawak
konting pukpok pa
at tuluyan nang babagsak
ngunit may nakisali
galing sa kung saan
hiniram ang maso
at makikipukpok lang
nung makitang mahina na
sila na ang nakialam
nang madurog ang bato
sila daw ang may kagagawan
ang masong hiniram
sila na ang gumamit
ang hiniraman
kanilang iwinaglit
nung kinukuha na
lalo pang nagalit
sa halip na katahimikan
kaguluhan ang inihasik
RMP
2/25/18
Winnipeg MB Canada
kailangang pagtulungan
tuloy ang laban
kahit na nahihirapan
unti-unti matitibag
pagsamahin lang ang lakas
patuloy ang pagpalo
patuloy ang paghampas
humihina na ang bato
unti-unti nang nababasag
ilang hataw na lang
tuluyan nang mawawasak
kung napapagod na
may iba namang hahawak
konting pukpok pa
at tuluyan nang babagsak
ngunit may nakisali
galing sa kung saan
hiniram ang maso
at makikipukpok lang
nung makitang mahina na
sila na ang nakialam
nang madurog ang bato
sila daw ang may kagagawan
ang masong hiniram
sila na ang gumamit
ang hiniraman
kanilang iwinaglit
nung kinukuha na
lalo pang nagalit
sa halip na katahimikan
kaguluhan ang inihasik
RMP
2/25/18
Winnipeg MB Canada
EDSA
pinatalsik ang diktadura
pinalitan ng taga Luisita
bago mag isang taon
may masaker na sa Mendiola
naging sunud-sunuran
sa dikta ng oligarkiya
at ng mga kaalyadong
galamay dati ng pasista
nagsisimula pa lang
naghiwalay na ng landas
yung mga dating pinalaya
balik sa likod ng mga rehas
kabi-kabila at sunud-sunod
ang mga naging pag-aaklas
ang tinuring na rebolusyon
isa lamang palang palabas
rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?
kaya tuloy ang saya
sa palasyo at asyenda
para manatili ang US Bases
nanguna pa sa martsa
akala natin makabayan
eh tuta din pala
wala ring pagbabago
mukhang mas lumala pa
naging prayoridad
ang pag-usig at pagganti
sa halip na bayan
ang inuna ay sarili
utang na loob
dumagsa sa kakampi
kaya heto ang bayan
nasadlak sa pagsisisi
rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?
maraming naloko
pati yung mga matatalino
elitistang isnabero
astang uring edukado
yung mga naki-ride on
ngayon ay mukhang gago
naging makabayan agad
kumampi lang kay Aquino
may utang na dugo
mga promotor ng EDSA
dugo ng mga magsasaka
na bumaha sa Mendiola
si Lean Alejandro
at si Ka Lando Olalia
ilan lamang sila
sa napakaraming biktima
rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?
RMP
2/24/18
Winnipeg MB Canada
pinalitan ng taga Luisita
bago mag isang taon
may masaker na sa Mendiola
naging sunud-sunuran
sa dikta ng oligarkiya
at ng mga kaalyadong
galamay dati ng pasista
nagsisimula pa lang
naghiwalay na ng landas
yung mga dating pinalaya
balik sa likod ng mga rehas
kabi-kabila at sunud-sunod
ang mga naging pag-aaklas
ang tinuring na rebolusyon
isa lamang palang palabas
rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?
kaya tuloy ang saya
sa palasyo at asyenda
para manatili ang US Bases
nanguna pa sa martsa
akala natin makabayan
eh tuta din pala
wala ring pagbabago
mukhang mas lumala pa
naging prayoridad
ang pag-usig at pagganti
sa halip na bayan
ang inuna ay sarili
utang na loob
dumagsa sa kakampi
kaya heto ang bayan
nasadlak sa pagsisisi
rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?
maraming naloko
pati yung mga matatalino
elitistang isnabero
astang uring edukado
yung mga naki-ride on
ngayon ay mukhang gago
naging makabayan agad
kumampi lang kay Aquino
may utang na dugo
mga promotor ng EDSA
dugo ng mga magsasaka
na bumaha sa Mendiola
si Lean Alejandro
at si Ka Lando Olalia
ilan lamang sila
sa napakaraming biktima
rebo ng masa
na inagaw ng mga dilaw
ano na ang nangyari
bakit ngayon ay nilalangaw?
RMP
2/24/18
Winnipeg MB Canada
Saturday, February 24, 2018
TANIKALA
Sa halip na palayain ikaw pa ang maikukulong
Ng mga katagang iyong pinagdugtong-dugtong
Parang silang tanikala na bumabalot sa yo
Hanggang di na makakilos puso’t isipan mo
Humahaba, bumibigat, lalong dumarami
Paikot-ikot, paulit-ulit ang mga sinasabi
Bumabagal, nagtatagal ang bawat paghakbang
Hindi matapos tapos mga araw na binibilang
Taludturan na naging tanikala
Rehas ang nabubuo sa bawat tugma
Bawat linya ay nagsisilbing banta
Gustong lumaya ngunit hindi magawa
Babalutin ng kalawang ang bawat bahagi
Habang tumatagal nawawala ang kakampi
May mga pagkakataon na naisasantabi
Kahulugan ng panulat sing dilim na ng gabi
Hindi na makagalaw malaki na ang sagabal
Ang saradong pag-iisip sintigas na ng bakal
May pag-asa pa kaya na malagot o mapigtal
Ang tanikalang nilikha ng kaisipang mapanakal
Taludturan na naging tanikala
Rehas ang nabubuo sa bawat tugma
Bawat linya ay nagsisilbing banta
Gustong lumaya ngunit hindi magawa
RMP
2/23/18
Winnipeg MB Canada
Ng mga katagang iyong pinagdugtong-dugtong
Parang silang tanikala na bumabalot sa yo
Hanggang di na makakilos puso’t isipan mo
Humahaba, bumibigat, lalong dumarami
Paikot-ikot, paulit-ulit ang mga sinasabi
Bumabagal, nagtatagal ang bawat paghakbang
Hindi matapos tapos mga araw na binibilang
Taludturan na naging tanikala
Rehas ang nabubuo sa bawat tugma
Bawat linya ay nagsisilbing banta
Gustong lumaya ngunit hindi magawa
Babalutin ng kalawang ang bawat bahagi
Habang tumatagal nawawala ang kakampi
May mga pagkakataon na naisasantabi
Kahulugan ng panulat sing dilim na ng gabi
Hindi na makagalaw malaki na ang sagabal
Ang saradong pag-iisip sintigas na ng bakal
May pag-asa pa kaya na malagot o mapigtal
Ang tanikalang nilikha ng kaisipang mapanakal
Taludturan na naging tanikala
Rehas ang nabubuo sa bawat tugma
Bawat linya ay nagsisilbing banta
Gustong lumaya ngunit hindi magawa
RMP
2/23/18
Winnipeg MB Canada
Tuesday, February 20, 2018
CUL-DE-SAC
“A dead end can never be a one way street; you can always turn around and take another road.” Bo Bennett
a journey goes on
yet you are looking back
something within is missing
when you’ve started to unpack
the truth emerges
when you saw the crack
a conclusion leads you now
towards a narrow cul-de-sac
RMP
2/20/18
Winnipeg MB Canada
a journey goes on
yet you are looking back
something within is missing
when you’ve started to unpack
the truth emerges
when you saw the crack
a conclusion leads you now
towards a narrow cul-de-sac
RMP
2/20/18
Winnipeg MB Canada
Sunday, February 18, 2018
KULTO
nanahimik ka
bigla kang bubwisitin
di lang napagbigyan
“warning” agad ang sasabihin
umiiwas daw sa katotohanan
kapag hindi ka nakikinig
kaya galit ang nililikha
sa halip na pag-ibig
hinusgahan ka na
gamit ang Biblia nila
sa mga nakilala ko
walang siyang pinag-iba
sa tono at daloy
ng mga salita niya
pati pag-iisip ng Diyos
pagmamay-ari na nila
magaling dumikit
sa mga nasa poder
mga bilang na inipon
kapalit ng pagpapel
nagtatago sa katauhan
ng mga pekeng anghel
may armadong bantay
sa matataas na pader
kapatirang walang laya
dinidikta ang bawat gawa
kapag may tumiwalag
may mga magtatangka
kasingtulis ng mga tore
kapag may pagbabanta
kung hindi ito kulto
ano ang tamang salita?
RMP
2/17/18
Winnipeg MB Canada
bigla kang bubwisitin
di lang napagbigyan
“warning” agad ang sasabihin
umiiwas daw sa katotohanan
kapag hindi ka nakikinig
kaya galit ang nililikha
sa halip na pag-ibig
hinusgahan ka na
gamit ang Biblia nila
sa mga nakilala ko
walang siyang pinag-iba
sa tono at daloy
ng mga salita niya
pati pag-iisip ng Diyos
pagmamay-ari na nila
magaling dumikit
sa mga nasa poder
mga bilang na inipon
kapalit ng pagpapel
nagtatago sa katauhan
ng mga pekeng anghel
may armadong bantay
sa matataas na pader
kapatirang walang laya
dinidikta ang bawat gawa
kapag may tumiwalag
may mga magtatangka
kasingtulis ng mga tore
kapag may pagbabanta
kung hindi ito kulto
ano ang tamang salita?
RMP
2/17/18
Winnipeg MB Canada
Friday, February 16, 2018
RANDOM #91
“The fears we don’t face become our limits.” Robin Sharma
sometimes
we’ve to unlearn
some of what we know
to run better on our own
and discover which way to go
sometimes
we've to ignore
the imaginary strings
to glide freely on our own
and finally liberate our wings
RMP
2/16/2018
Winnipeg MB Canada
sometimes
we’ve to unlearn
some of what we know
to run better on our own
and discover which way to go
sometimes
we've to ignore
the imaginary strings
to glide freely on our own
and finally liberate our wings
RMP
2/16/2018
Winnipeg MB Canada
Monday, February 12, 2018
SABAY KA LANG
minsan isang taon
sinusulit ang pagkakataon
bahagya man ang naipon
sasabay sa lambing ng panahon
magkasama man o hindi
tagumpay man o nasawi
may mga ala-alang
sadyang magbabalik muli
sabay ka lang
wala namang masama
kung iiwas ka mas walang mapapala
handog ay di mahalaga
ang asam ay ang pagsasama
kahit sa bawat pagtatagpo
may pagkukulang na madarama
hindi man maipakita
o lubos na maiparamdam
maaari namang lingunin
magandang mga nagdaan
sabay ka lang
wala namang masama
kung iiwas mas walang mapapala
wala naman sa bilang
kahit nga nag-iisa ka lang
ang pag-ibig na nadarama
maaaring pumailanlang
sa natatangi o kaibigan
anak, kapatid o sa magulang
makukumpleto ang araw
makisabay ka lang
sabay ka lang
wala namang masama
kung iiwas ka mas walang mapapala
RMP
2/11/18
Winnipeg MB Canada
sinusulit ang pagkakataon
bahagya man ang naipon
sasabay sa lambing ng panahon
magkasama man o hindi
tagumpay man o nasawi
may mga ala-alang
sadyang magbabalik muli
sabay ka lang
wala namang masama
kung iiwas ka mas walang mapapala
handog ay di mahalaga
ang asam ay ang pagsasama
kahit sa bawat pagtatagpo
may pagkukulang na madarama
hindi man maipakita
o lubos na maiparamdam
maaari namang lingunin
magandang mga nagdaan
sabay ka lang
wala namang masama
kung iiwas mas walang mapapala
wala naman sa bilang
kahit nga nag-iisa ka lang
ang pag-ibig na nadarama
maaaring pumailanlang
sa natatangi o kaibigan
anak, kapatid o sa magulang
makukumpleto ang araw
makisabay ka lang
sabay ka lang
wala namang masama
kung iiwas ka mas walang mapapala
RMP
2/11/18
Winnipeg MB Canada
Sunday, February 11, 2018
WINDCHILL
tumitindi ang lamig
kapag ikaw ay dumating
ang iniipon kong init
binabawi mo sa akin
sa bawat ihip na hatid
ikaw ay napapansin
kahit saang panig
maaari kang manggaling
laging binabantayan
araw man o gabi
mabuti nang maghanda
kaysa sa magsisi
ang bugsong dala mo
minsan ay di masasabi
may takot kang hatid
yan ay di maitatanggi
hihina ka rin
matatapos ang taglamig
magpapahinga pagdating
ng tagsibol at tag-init
pansamantanlang malilimutan
mga dampi mong hatid
paghahandaan na lang
ang muli mong pagbabalik
RMP
2/10/2018
Winnipeg MB Canada
kapag ikaw ay dumating
ang iniipon kong init
binabawi mo sa akin
sa bawat ihip na hatid
ikaw ay napapansin
kahit saang panig
maaari kang manggaling
laging binabantayan
araw man o gabi
mabuti nang maghanda
kaysa sa magsisi
ang bugsong dala mo
minsan ay di masasabi
may takot kang hatid
yan ay di maitatanggi
hihina ka rin
matatapos ang taglamig
magpapahinga pagdating
ng tagsibol at tag-init
pansamantanlang malilimutan
mga dampi mong hatid
paghahandaan na lang
ang muli mong pagbabalik
2/10/2018
Winnipeg MB Canada
Saturday, February 10, 2018
AKO AY SI PNOY (To the tune of Ako’y isang Pinoy by Florante)
Ako ay si PNoy na walang dyowa
PNoy na naging pangulo ng ating bansa
Ako’y sanay sa yosing gawang banyaga
Ako’y si PNoy na mayroong ubo at hika
Mahal ko ang bansa ang lagi kong salita
Bayan ko ay ginatasan
Ng kapartido’t mga kabarilan
Tanda nyo ba noon nung ako’y nagwika
Sagasaan man ng tren ako ay handa
Pasensiya na kayo kung ako’y nabigla
Minsan di ako nag-iisip bago magsalita
Mahal ko ang bansa ang lagi kong salita
Bayan ko ay ginatasan
Ng kapartido’t mga kabarilan
Ako ay si PNoy na walang dyowa
PNoy na naging pangulo ng ating bansa
Ako’y sanay sa yosing gawang banyaga
Ako’y si PNoy na mayroong ubo at hika
RMP
2/10/2018
Winnipeg MB Canada
PNoy na naging pangulo ng ating bansa
Ako’y sanay sa yosing gawang banyaga
Ako’y si PNoy na mayroong ubo at hika
Mahal ko ang bansa ang lagi kong salita
Bayan ko ay ginatasan
Ng kapartido’t mga kabarilan
Tanda nyo ba noon nung ako’y nagwika
Sagasaan man ng tren ako ay handa
Pasensiya na kayo kung ako’y nabigla
Minsan di ako nag-iisip bago magsalita
Mahal ko ang bansa ang lagi kong salita
Bayan ko ay ginatasan
Ng kapartido’t mga kabarilan
Ako ay si PNoy na walang dyowa
PNoy na naging pangulo ng ating bansa
Ako’y sanay sa yosing gawang banyaga
Ako’y si PNoy na mayroong ubo at hika
RMP
2/10/2018
Winnipeg MB Canada
Friday, February 9, 2018
DUTERTE (Torete Mura Version)
Sandali na lang
Maaari nang banatan
Kalusin na nga
Maaari nang posasan ang
Kanyang mga kamay
Hindi na yan aabot sa langit
Ang kanyang mga labi
Ay di na masisilip
'Wag kang mag-alala
Di ito ibibintang sa'yo
Kahit na may maglaglag
Si Duterte ang bahala sa yo
Ilang lakad pa nga lang
Marami nang nagtatago
Mga adik at mga tulak
Nanlalamig nanginginig lalo
Akala nila nung una
May takas sa ganito
Tangkain mang umiwas
Marami pa rin ang magtuturo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
'Wag kang mag-alala
Di ito ibibintang sa'yo
Kahit na may maglaglag
Si Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
RMP
2/8/2018
Winnipeg MB Canada
Maaari nang banatan
Kalusin na nga
Maaari nang posasan ang
Kanyang mga kamay
Hindi na yan aabot sa langit
Ang kanyang mga labi
Ay di na masisilip
'Wag kang mag-alala
Di ito ibibintang sa'yo
Kahit na may maglaglag
Si Duterte ang bahala sa yo
Ilang lakad pa nga lang
Marami nang nagtatago
Mga adik at mga tulak
Nanlalamig nanginginig lalo
Akala nila nung una
May takas sa ganito
Tangkain mang umiwas
Marami pa rin ang magtuturo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
'Wag kang mag-alala
Di ito ibibintang sa'yo
Kahit na may maglaglag
Si Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
Duterte, Duterte ang bahala sa yo
RMP
2/8/2018
Winnipeg MB Canada
Subscribe to:
Posts (Atom)