Wednesday, May 31, 2017

PLDT (PALPAK LAGI ang DISKARTE TELCO)

Transfer lang ng connection inabot na ng kunsumisyon
Anytime daw ikakabit, “anytime” ba ang solusyon?
Eh ang anytime pwede kayang umabot ng taon
Ang tamang serbisyo hindi dapat ganon

“Were changing lives. The power of convergence.”
Tagline na gamit nyo ay mukha na lang pretense
Di na uubra yan kung yan ang inyong line of defense
Dapat ang tagline nyo, “We need more common sense!

Oligopolyo numero uno sakit kayo ng ulo
On time kami magbayad serbisyo ay hindi pulido
Paasa palagi forever ang perhuwisyo
Anytime ang solusyon sa bawat reklamo

Lakas pa ng loob na mag-alok ng upgrade
Serbisyo nyo naman eh palagi namang delayed
Sana matapos na dominance nyo sa telco trade
Nang bumilis na ang serbisyo na parang nasa parade

Panay pa lagi ang tawag may bago kaming promo
Improve nyo muna kaya ang infrastructure nyo
Bayad ay di sulit kapag koneksiyon ay nagloloko
Mahal na nga, mabagal pa pero si MVP bilyonaryo

Resulta lang ito ng nabubulok na sistema
Patakaran ng gobyerno kontrolado ng industriya
Kaya namamayagpag ang mga tulad nila
Mga pangunahing serbisyo sa pribado nakakontrata

RMP
5/31/2017
Winnipeg MB Canada


2 comments:

  1. I agree with you sobrang bulok at palpak ng serbisyo kapag sales hotline nila bilis sumagot pero kapag repair tutubuan ka ng ugat sa paghahantay at ayaw tumanggap ng escalated calls ng mga supervisor sa agents sasabihin sayo may kausap daw sa kabilang linya o may meeting daw yung supervisor tatawag na lang daw

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sa comment. sensya na sa late response. anyway, until now palpak pa rin ang serbisyo ng PLDT.

      Delete