Wednesday, May 31, 2017

PLDT (PALPAK LAGI ang DISKARTE TELCO)

Transfer lang ng connection inabot na ng kunsumisyon
Anytime daw ikakabit, “anytime” ba ang solusyon?
Eh ang anytime pwede kayang umabot ng taon
Ang tamang serbisyo hindi dapat ganon

“Were changing lives. The power of convergence.”
Tagline na gamit nyo ay mukha na lang pretense
Di na uubra yan kung yan ang inyong line of defense
Dapat ang tagline nyo, “We need more common sense!

Oligopolyo numero uno sakit kayo ng ulo
On time kami magbayad serbisyo ay hindi pulido
Paasa palagi forever ang perhuwisyo
Anytime ang solusyon sa bawat reklamo

Lakas pa ng loob na mag-alok ng upgrade
Serbisyo nyo naman eh palagi namang delayed
Sana matapos na dominance nyo sa telco trade
Nang bumilis na ang serbisyo na parang nasa parade

Panay pa lagi ang tawag may bago kaming promo
Improve nyo muna kaya ang infrastructure nyo
Bayad ay di sulit kapag koneksiyon ay nagloloko
Mahal na nga, mabagal pa pero si MVP bilyonaryo

Resulta lang ito ng nabubulok na sistema
Patakaran ng gobyerno kontrolado ng industriya
Kaya namamayagpag ang mga tulad nila
Mga pangunahing serbisyo sa pribado nakakontrata

RMP
5/31/2017
Winnipeg MB Canada


Tuesday, May 23, 2017

DEBT TRAP

“We buy things we don't need with money we don't have to impress people we don't like.” Dave Ramsey

the structure is the same
we just  follow or imitate
liabilities overflow
we usually take the bait
the usual path is tempting
it shakes us to the core
we only earn this much
but keep on spending more

the lure of greater access
will bring us to our knees
when the debt trap reveals
those INFLATED fees
a cycle will ensue
we’ll be under duress
work more to earn more
to pay for what we possess

the race is on
the competition is real
the urge to accumulate
is something we can’t conceal
if this trend goes on
it’s simply a done deal
the debt to income ratio
will be our Achilles’ heel

RMP
5/22/17
Winnipeg MB Canada



Thursday, May 18, 2017

BURNOUT

can’t find the right words
rhymes are hiding somewhere
my thoughts are restless
a message is out of square
the lines are crooked
there is nothing to share
trying to reach the summit
i can feel the wear and tear

RMP
5/18/17
Winnipeg MB Canada

Wednesday, May 3, 2017

"NA ANO LANG"

Para lang jackpot en poy o kaya ay bulagaan
Seryosong usapan babahiran ng kalokohan
Lighter note nga ba ang gawing katatawanan
Ang estado ng babae na ayon sa street language lang

Mababaw na tanong, malalim na tugon
Patuloy pa rin ang kinamulatang tradisyon
Kapansin-pansin pa rin ang mga kontradiksiyon
Sa maling kaisipan kahit mambabatas ay umaayon

‘Na ano’ lang naman, maliit na bagay
Pero yung ‘nang ano ‘hayun at pakaway-kaway
‘Na ano’ lang naman kapag single at may anak
Pero yung ‘nang ano’ may high five at palakpak

Patriyarkang lipunan  at kaisipang 'machismo'
Kapag kinasuhan mauubos daw ang abugado
Kapag ganito ang pananaw ng mga nasa kongreso
Meron pa nga bang aasahan na mga pagbabago

May mga magsasabing bakit palalakihin pa
Biro lang naman ang mga sinasabi nila
Kung ikaw ay mambabatas dapat sensitibo ka
Sa pagbasag sa maling kaisipan dapat sila ang nauuna

‘Na ano’ lang naman, maliit na bagay
Pero yung ‘nang ano ‘hayun at pakaway-kaway
‘Na ano’ lang naman kapag single at may anak
Pero yung ‘nang ano’ may high five at palakpak

RMP
5/3/2017
Winnipeg MB Canada


BOTE

Hawak-hawak mo pa ako noon at ayaw na ayaw bitawan
Enjoy na enjoy ka pa sa mabilog at matigas kong pangangatawan
Naaala ko madalas noong una kong maramdaman ang malambot mong mga kamay
At ang mga labi mong dumadampi sa akin kaya hindi ako mapalagay
Tumitindi ang init habang ikaw ay natatangay
Kapag nag-iisa ka ako ang kasama mong tumambay

Pero tulad rin ng dati ikaw ay aalis
Ako ay iiwanan taglay ang iyong hinagpis
Said ang laman muling mag-iisa sa tambayan
Maghihintay sa tulad mo kapag muling nagkalaman

Umiikot lang ang  buhay ko sa mga katulad mo
Nagmahal, nasaktan para makalimot ay humihingi ng saklolo
Nilulunod ang nararamdamang sakit na kasama ako
Hindi maka- move on move on kapag nagsosolo
Mga pusong parang hindi kaya ang maiwang mag-isa
Sa kahahanap ng bago lagi na lang natataranta

Takbuhan pag may problema, tagasambot ng sakit
Para makalimot ginagawa lang na pantakip
Nagpapaluwag sa mga damdaming sumisikip
Pansamantalang init sa lumalamig na pag-ibig

Kaya sana sa susunod mong pagpunta wag mo na akong hanapin
Lalong lalo na kapag meron ka nang bagong kapiling
Ayos na sa akin na kahit minsan ikaw ay pansamantalang pinagaling
Kahit bigay ko ay isinuka ok lang naman sa akin
Tanggap ko naman na kahit kailan hanggang doon lang ang papel ko
Kasama sa pagtambay, labasan ng problema mo
Babalik at babalik ka pa rin doon sa nanakit sa iyo
Kaya minsan naiisip ko sarili ay ipukpok sa ulo mo

Pero hindi na bale ako ang maiwan, basta sumaya ka lang
Ang mga katulad ko dapat alam ang dapat na lugaran
Kaya ok na siguro ganito na lang ang parte ko sa iyong space
Tulad ng mga kasama ko ibabalik lang naman ako sa case

RMP
4/22/2017
Winnipeg MB Canada


Monday, May 1, 2017

QUITS?

Enrile, Gigi Reyes, Jingoy Estrada
Gloria Arroyo at si Bong Revilla
Limang high profile pinakulong ni Leila
Noong hawak pa niya kagawaran ng hustisya

Limang katumbas ay iisang De Lima
Ang dating kalihim ay bigatin talaga
Wala na kayang mga susunod pa
Kay De Lima pa lang gobyerno ay quits na

Quota na si Digong kay De Lima pa lang
Jackpot naman kung madadagdagan
Karma nga ba o simpleng gantihan
Kapag bago ang lider tiyak may laglagan

Sino pa ang lalaya? Sino pa ang makukulong?
Pulitika sa pinas para lang isang gulong
Majority noon, minority naman ngayon
Sa panahon ng balimbing tiyak may rigodon

RMP
5/1/2017
Winnipeg MB Canada

PAIKOT-IKOT, PABALIK-BALIK LANG (Isang tula para sa mga Manggagawa)

Dahil sa surplus value mababa ang sweldo
Sobra daw ang supply kaya kontraktwal sa trabaho
Ginigipit, hinaharass kapag nagrereklamo
Kapag lider na palaban binabaril sa ulo
Mga kontribusyong hindi nareremit
Wala tuloy magamit kapag nagkasakit
Delay na sweldo o minsan ay talagang iniipit
Kung gustong ma promote humanda sa kapalit

Paikot-ikot, pabalik-balik lang
Patuloy ang kontradiksiyon sa mga pagawaan

Sa regularization marami pa ring hadlang
Sahod sa trabaho hindi rin basta madagdagan
Inflationary daw kasi ito ng laging katwiran
Tataas ang cost of production ng mga pagawaan
Eh sa surplus labor pa lang malaki na ang tubo
Sa oras pa lang malaki na ang nagogoyo
Dahil walang benefits ay nagkakamal pa lalo
Ang mga may-ari mas malaki ang naitatago

Paikot-ikot, pabalik-balik lang
Patuloy ang kontradiksiyon sa mga pagawaan

Kapag may nagbulong na magtatayo ng unyon
Ang namamahala ay magtitipon ng kampon
Magpapatawag ng moro-morong eleksiyon
Mananalo ang mga taksil na laging nag mimiron
Minimum wage laban sa cost of living sa Pinas
Antas ng buhay ng manggagawa kailan pa tataas
Idagdag pa natin ang mga buwis na kinakaltas
Sa halip na bumalik patuloy pa ring winawaldas

Paikot-ikot, pabalik-balik lang
Patuloy ang kontradiksiyon sa mga pagawaan

Patuloy ang panawagan kahit hindi labor day
Dahil tuloy pa rin ang more work at lesser pay
Sabi nga sa Ingles that at the end of the day
Ang mga isyung nabanggit di dapat dina downplay
So sapat na ba ang tula at mensahe ng pakikiisa
May naipost na sa timeline kaya mukhang ayos na
Sumama sa rali at sumigaw ng “manggagawa magkaisa!”
Bago kumilos alamin muna ang ugat ng problema

Paikot-ikot, pabalik-balik lang
Patuloy ang kontradiksiyon sa mga pagawaan

RMP
4/30/2017
Winnipeg MB Canada