Saturday, March 11, 2017

YAN ANG PINAS! PART 3

Light, moderate, heavy ‘yan ang trapik sa pinas
Maraming bottlenecks kaya malamang mas madalas
Buhol-buhol na trapiko ang kalimitang dinaranas
Kaya pag minamalas, galit di mapigilang ilabas
Yung mga malalaki ay pipinahin ka
May mga sisingit kahit ikaw na ang nasa linya
Kapag di pinagbigyan ay magagalit pa sila
Kung papatulan naman baka mabaril ka pa

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light , moderate, heavy ganyan din ang takbo
Mas madalas ang problema’y dahil sa mga pulitiko
Buhol-buhol na mga batas sa senado at kongreso
Laging may rigodon basta may mga bagong nanalo
Sila ang malalaki kaya laging sila ang pagbibigyan
Sa halip na taumbayan nakasingit lagi ang pangalan
Kapag hindi inayunan lalo na pagdating ng halalan
Kung wala kang suporta baka ika’y may paglagyan

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light, moderate, heavy ganyan din ang sitwasyon
Sa mga taong sa pulitika laging nagmimiron
Hardcore ang dating lalo na kapag nagtitipon
Ang tingin sa mga idolo para na bang panginoon
Dilaw, pula, itim anuman ang taglay na kulay
Kung hardliner ka na mahirap na sa iyo ang sumabay
Buhol-buhol na rin kasi ang argumentong tinatagalay
Kapag ipinilit ang punto humahantong pa sa away

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light, moderate, heavy kahit saan man tumingin
Sports man o showbiz o sa katotohanang inaangkin
Lumalampas sa linya mga isipan ay nagdidilim
Bumibigat ang paninira dumadalas ang pambabashing
Dadaanin ka sa laki malawak daw ang fan base
Ang maiba ang doktrina ay tiyak ma out of place
Sila daw ang chosen o mas superior ang taste
Check mo ang rason panay naman ang copy paste

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light, moderate, heavy yan ang political spectra
Kaliwa, gitna, kanan huwag nang magtataka
Kung buhol-buhol na rin ang mga taglay na linya
Sa dami ng kontradiksiyon dina alam san pupunta
Tawid bakod, mga kaaway kasama na ngayon
Parang kailan lang lampas langit kung maghamon
Ang mga isinuka ngayon ay kusang nilalamon
Sablay man sa prinsipyo ok sa mainstream coalition

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

RMP
3/10/2017
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment