Wednesday, March 29, 2017

COLLATERAL DAMAGE

walking cautiously
while trying not to fall
there were attempts to respond
to a recurring distress call
time is running out
the situation’s changing fast
there are rumors everywhere
of an impending blast

blown out of proportion
the struggle is now a threat
there is no other recourse
someone has to pay his debt
the damage is done
it was just too much to bear
retaliation is in progress
it's no longer a bomb scare

RMP
11/30/2014
Revised 3/28/2017
Winnipeg MB Canada

Tuesday, March 28, 2017

ANIB

injured  ang paa
at walang magawa
bagsak na naman
sa paggawa ng tula
minsan feeling ko
nakakasawa na
pero ang malikot na utak
dikta lagi nang dikta

takbo ng paa
takbo ng isip
pahinga ang isa
isa naman’y naiinip
ah makabati na lang
sa ginaganap na anib
medyo subtle nga lang
kasi medyo mapanganib

ayos yan mga kasama
sige  ayo ayo lang
taon man ang binilang
tuloy pa rin ang laban
isang pagbati
aking ipinaabot
tuloy ang pakikibaka
at huwag matatakot

hanggang dito na lang
mahirap na’ng ma agit
baka lumampas
sa itinakdang limit
kaya para mapawi
ang namumuong init
buksan ang bintana’t
papasukin ang lamig

RMP
3/37/2017
Winnipeg MB Canada

Monday, March 27, 2017

RANDOM #85

“Grief changes shape, but it never ends.” Keanu Reeves

life goes on
while grief tags along
an inevitable feeling
even if we think we are strong
bits and pieces of the past
following us constantly
no matter where we go
there are droplets of memory

an endless cycle
where time becomes a burden
the pain is just reshaping
while the end is still uncertain
guilt is reinforced
by the images we see
no matter what we do
we can’t outrun a memory

RMP
3/26/2017
Winnipeg MB Canada


Saturday, March 25, 2017

RANDOM #84

running without  moving
I feel the irony

my mind is besieged
by the force of poetry

curse or a gift
an escape or a trap

one thing for sure
the thin line won’t snap

RMP
3/24/2017
Winnipeg MB Canada

RANDOM #83

“Good people are like candles; they burn themselves up to give others light.” author unknown

taking them for granted
we’re too busy to see
things they do for us
so we can travel safe and free
seeing what is best
they unselfishly provide
while simply at our end
we know we haven’t tried

the outflow is greater than
what they usually receive
yet their hearts are all set
to forget and to forgive
their kindness is limitless
their intentions are pure
but we keep on hurting them
when our minds are not so sure

the cycle continues
the pattern is the same
they lit the flame
we lose the game
looking for diversions
the path is to pass the blame
when we are on the edge
it’s time to call their name

it’s not yet too late
there’s still time to give back
get our acts together
though we fell off the track
they are still hoping
for us to clearly see
all that they want to share
is what’s best for you and me

RMP
3/24/2017
Winnipeg MB Canada

RANDOM #82

a rolling stone or a drifter
at times it doesn’t really matter
branding is more likely
if you think meddling is better
there is more space
to move and play around
do away with your bias
you can hear a better sound

wearing no blinders
the landscape is better viewed
hitting both sides now and then
you are free from servitude
crafty as it may seems
words swinging left and right
when there is no limit
it is more fun to write

but the spin goes on
blindness is going viral
more opinions are caught
in a downward spiral
the fun is short-lived
it may turn into a fight
darkness is the status quo
if they don’t want to see the light

RMP
3/24/2017
Winnipeg MB Canada

Friday, March 24, 2017

LOOK AT ME

a dual citizen
enraged by a few
offended by the sound
of an opposing point of view

ironic as it was
the outburst was a proof
his version of freedom
sent him hitting the roof

look at me!
the rage is on
tolerance is gone
a line has been drawn

an ego turned yellow
the argument is insane
an artist is beleaguered
by an irreversible pain

RMP
3/24/2017
Winnipeg MB Canada

Thursday, March 23, 2017

RANDOM #81

“Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ang kalaban? Kalaban ang kakampi? Nakakapagod!” –mula sa pelikulang Heneral Luna

nakaukit
sa kasaysayan
ang mga bintang

batas na hinulma
naging sanhi ng kamatayan

karuwagan, kataksilan
kasakiman sa kapangyarihan

ang mga anino
buhay hanggang sa kasalukuyan

nagmamatyag
kumikilos
hayag man o palihim

mga panukala
iginuguhit sa dilim

tuso ang pag-iisip
matalim ang paningin

ginawa kay Supremo
muling uulit-ulitin

RMP
3/22/17
Winnipeg MB Canada

Monday, March 20, 2017

TAKE YOUR TIME (extended version)

“Sometimes taking time is actually a shortcut.”
–Haruki Murakami, What I Talk About When I talk About Running

Put your running shoes on it’s time to hit the road
Warm yourself up before starting the running mode
Suit up, gear up, whether it’s warm or cold
Age doesn’t matter whether you’re young or old
Fast or slow, you decide your running flow
Just go and run with your own kind of tempo
In silence, with an audio or with a GoPro
Remember each run is your own kind of show
Run all alone or do it on your own
With a buddy, with a club or just want to tag along
Go for a day or night run in your comfort zone
Or do it for a record and make a milestone

Take your time, create your own pace
Take your time, alone or in a race

No need to worry if you’re not in the lead
Keep your eyes on the road don't you ever concede
Don't push yourself too hard you'd get there by and by
When Endorphins kicked in you'd feel the runner's high
It doesn't really matter if it's trail or concrete
As long as your mind is in synced with your feet
Once you got the rhythm it will be a steady flow
With every stride you take your confidence will grow
It’s not you against them but it’s you against you
Your race time’s a measure of what you can really do
Don't mind if your PR is inferior from the rest
Running my friend is a personal quest

Take your time, create your own pace
Take your time, alone or in a race

Running isn’t easy, it comes with a price
Commit yourself into it there is sacrifice
Turning into a passion, it’s no longer just an exercise
Joining any race you won’t even think twice
Addiction, meditation you won’t run out of reason
Each session provokes an unending competition
With oneself, never mind the changing of the seasons
Hibernation feels like committing a crime of treason
Each run is different but the feeling is the same
Waiting for the runner’s high sometime’s a guessing game
You may run just to finish or race for honor or for fame
What really matter is what you did to reach your aim

Take your time, create your own pace
Take your time, alone or in a race

RMP
6/13/2013
Revised 3/11/17
Revised 3/19/2017

RMP
6/13/2013
Revised 3/11/17
Revised 3/19/2017

Sunday, March 19, 2017

WHERE IS HOME?

it is what it is there are some things we can’t change
dreams will fall apart when they are out of range
there will always be some unanswered questions
and fate might bring us to different directions

dazed and confused while hurting deep inside
sometimes our reasons are swallowed by our pride
we look too far ahead thinking we can do it on our own
when we fall along the way we remember our comfort zone

this is the battlefront;
right collides with what is wrong
the question remains the same
where is home? where is home?

hearts are hurting they just don’t want to speak
their silence is a call against what we’re trying to seek
the complexity is beyond what they can perceive
is this a punishment that is beyond reprieve?

the friction from within makes it harder even more
it seems like we’re in the midst of a raging all out war
the silent whimpers of those who will be left behind
will always reverberate to disturb our tranquil minds

this is the battlefront;
right collides with what is wrong
the question remains the same
where is home? where is home?

RMP
3/18/17
Winnipeg MB Canada




Saturday, March 18, 2017

RANDOM #80

“You can’t look too far ahead. Do that and you’ll lose sight of what you’re doing and stumble. ― Haruki Murakami, Kafka on the Shore

did a Penguin walk this morning
after I fell hard on ice
butt first hitting the pavement
i almost did it twice
didn’t see it coming
I looked too far ahead
lesson learned after this
take a closer look instead

RMP
3/17/2017
Winnipeg MB Canada

LINYA

Dating malinaw ngayon ay lumabo
Nabura, napalitan ngayon ay halu-halo
Dating tuwid ngayon ay liku-liko
Dating hayag, nawala’t nagtatago

Iginuhit sa isip burado sa dibdib
Kumupas ang kulay nawala ang bagsik
Bandilang bitbit isa na lamang pantakip
Larawang sandigan luma na at punit-punit

Nagsitawiran, gumitna at kumanan
Mga dalang bagahe ay naglalaglagan
Hindi na malaman kasama o kalaban
Kulay naging itim o naging dilawan

Kanya-kanya ng bitaw iba na ang galaw
Hinog na nabulok o bumalik sa pagkahilaw
Ang linya ng pag-asa hindi na basta matatanaw
Tinakpan ng mga sumama sa ganid at magnanakaw

Hindi nagmamalinis linya ko man ay lumilihis
Kahit sa sarili madalas nang nagmimintis
Maluwag na ang lubid na nagsilbing bigkis
Makapal na prinsipyo panipis na nang panipis

RMP
3/17/2017
Winnipeg MB Canada





Wednesday, March 15, 2017

RANDOM #79

“No winter lasts forever; no spring skips its turn.” Hal Borland

goodbye for now Mr. Winter
thank you for teaching us to wait
spring’s just around the corner
it’s again time to lose some weight
there are distances to cover
the mind’s in the running state
finally the long wait’s over
there are more PRs to create

it is time to feel much better
forget about remorse and hate
enjoy it while days are longer
there is more time to fill the plate
life changes just like the weather
so gear up for the twist of fate
run quicker or run much farther
the choice is up to us to make

RMP
3/14/2017
Winnipeg MB Canada

Monday, March 13, 2017

YAN ANG PINOY (Isang positibong tula para sa ating lahat mga kabayan)

Nakangiti kahit na may problema
Kahit mahirap nanatiling masaya
Yan ang pinoy mahusay magdala
Laging buhay ang taglay na pag-asa
Mga sakunang dala ng kalikasan
Perhuwisyo ng mga pahirap sa bayan
Hindi matitinag ang nararamdaman
Tuloy ang buhay kahit nasaan pa man
Hindi sumusuko kahit na nagigipit
Kahit ang buhay handang ipagpalit
Matagalan  man bago magkalapit
Basta sa pamilya titiisin ang sakit

Yan ang Pinoy kahit anong mangyari
Lakas ng loob hindi maisantabi
Yan ang Pinoy kahit nasaan pa man
Sa hamon ng buhay handang lumaban

Trapik, init, hindi na iniinda
Siksikan man sa byahe ganun talaga
Kahit araw-araw ay parang penitensiya
Mahalaga’y may maiuwi sa kanyang pamilya
Mamamasukan, mangangamuhan kahit na saan
Maghahanap ng anumang pagkakakitaan
Katamaran sa kanya ay walang puwang
Kahit bilad sa araw basta parehas lang
Subsob sa trabaho kahit mababa ang sweldo
Kahit agrabyado minsan di na nagrereklamo
Sa tiyaga hinuhulma kanyang pagkatao
Kahit pagod na kalalakad kaya pa ring tumakbo

Yan ang Pinoy kahit anong mangyari
Lakas ng loob hindi maisantabi
Yan ang Pinoy kahit nasaan pa man
Sa hamon ng buhay handang lumaban

Matiisin at mahaba ang pasensiya
Kahit sobra-sobra bagaheng dinadala
Problema sa bayan, trabaho at pamilya
Magsabay- sabay man may paglalagyan pa
Mapagmatyag at handang makialam
Kahit tahimik man ay nakikiramdam
Hindi pumapayag sa mga panlalamang
Papalag at papalag basta nasa tama lang
Malakas ang loob at handang pumalaot
Hindi papaalipin sa karuwagan at takot
Kahit saang larangan kahit saan mag-abot
May tapang at talino na laging mabubunot

Yan ang Pinoy kahit anong mangyari
Lakas ng loob hindi maisantabi
Yan ang Pinoy kahit nasaan pa man
Sa hamon ng buhay handang lumaban

Minamaliit kahit ng kapwa niya kalahi
Ginigipit ng mga naghaharing-uri
Dignidad gustong bilhin ng salapi
Subalit may prinsipyong hindi magagapi
Maka Diyos matibay ang pananampalataya
Nanalig kahit magkakaiba ang paniniwala
Ito ang dahilan kaya hindi niya alintana
Anuman ang dumating matibay ang kanyang panata
Mukhang watak-watak ngunit iisa ang hangarin
Umunlad na ang bayang nagluwal sa atin
Nagdarasal, nagsusumamo na sana’y dumating
Ang kapayapaang matagal nang hinihiling

Yan ang Pinoy kahit anong mangyari
Lakas ng loob hindi maisantabi
Yan ang Pinoy kahit nasaan pa man
Sa hamon ng buhay handang lumaban

RMP
3/12/17
Winnipeg MB Canada

Saturday, March 11, 2017

YAN ANG PINAS! PART 3

Light, moderate, heavy ‘yan ang trapik sa pinas
Maraming bottlenecks kaya malamang mas madalas
Buhol-buhol na trapiko ang kalimitang dinaranas
Kaya pag minamalas, galit di mapigilang ilabas
Yung mga malalaki ay pipinahin ka
May mga sisingit kahit ikaw na ang nasa linya
Kapag di pinagbigyan ay magagalit pa sila
Kung papatulan naman baka mabaril ka pa

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light , moderate, heavy ganyan din ang takbo
Mas madalas ang problema’y dahil sa mga pulitiko
Buhol-buhol na mga batas sa senado at kongreso
Laging may rigodon basta may mga bagong nanalo
Sila ang malalaki kaya laging sila ang pagbibigyan
Sa halip na taumbayan nakasingit lagi ang pangalan
Kapag hindi inayunan lalo na pagdating ng halalan
Kung wala kang suporta baka ika’y may paglagyan

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light, moderate, heavy ganyan din ang sitwasyon
Sa mga taong sa pulitika laging nagmimiron
Hardcore ang dating lalo na kapag nagtitipon
Ang tingin sa mga idolo para na bang panginoon
Dilaw, pula, itim anuman ang taglay na kulay
Kung hardliner ka na mahirap na sa iyo ang sumabay
Buhol-buhol na rin kasi ang argumentong tinatagalay
Kapag ipinilit ang punto humahantong pa sa away

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light, moderate, heavy kahit saan man tumingin
Sports man o showbiz o sa katotohanang inaangkin
Lumalampas sa linya mga isipan ay nagdidilim
Bumibigat ang paninira dumadalas ang pambabashing
Dadaanin ka sa laki malawak daw ang fan base
Ang maiba ang doktrina ay tiyak ma out of place
Sila daw ang chosen o mas superior ang taste
Check mo ang rason panay naman ang copy paste

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

Light, moderate, heavy yan ang political spectra
Kaliwa, gitna, kanan huwag nang magtataka
Kung buhol-buhol na rin ang mga taglay na linya
Sa dami ng kontradiksiyon dina alam san pupunta
Tawid bakod, mga kaaway kasama na ngayon
Parang kailan lang lampas langit kung maghamon
Ang mga isinuka ngayon ay kusang nilalamon
Sablay man sa prinsipyo ok sa mainstream coalition

Light, moderate, heavy
Yan ang sitwasyon sa Pinas
Mas madalas nga lang ay heavy
Meron pa nga bang lunas?

RMP
3/10/2017
Winnipeg MB Canada

Thursday, March 9, 2017

ALL OUT WAR

“Drop bombs and flatten hills”
Words to launch scores of kills
The ruler’s command gives me the chills
Collateral damage, just send him the bills

Blazing guns and the messengers of death
Civilians running and gasping for breath
Comb the area there’s an imminent threat
No more peace accord the dragnet is set

Roll out the drums of war, time to open the gate
Gone are the days and the time to negotiate
There is no more room for a logical debate
Options are running out for the head of the state

War on crimes, war on drugs, war on insurgency
Are there wars in the making against a bigger enemy?
Are we just seeing the shadows of his notoriety?
Well, more bloods will flow that’s the real story

History is written by victors, Churchill once said
This is true to the bone when all the enemies are dead
Are we seeing better days or are there danger signs ahead?
We can judge the man now or give him time instead

RMP
3/9/2017
Winnipeg MB Canada


MY WAY (DU30) VERSION

And now, your end is near
And so you’ll face the final curtain
Damn! I'll say it clear
There is no case, with that I'm certain
You say I am a fool
If bodies are found in every highway
But more, much more than this
I did it my way

Killed, I've had a few
But then again, too few to mention
I did what I had to do
The law I knew gave me exemption
I planned with others of course
Each careful step along the byway
And more, much more than this
I did it my way

Yes, there were times, I'm sure you knew
When executions were handled by my crew
But through it all, when there was doubt
I shut them up and cut them out
I pulled it off and then they fall
And did it my way

I ordered, and then they died
I'm winning the war, they are losing
And now, as crimes subside
I find EJK so amusing
To think my crew did that
And may I say – it’s the only way
Oh yes, oh yes, it’s us
We did it our way

For what is a man, what has he got
If he has no balls, then he has not
To say the things he truly feels
And not the words of one who kneels
The record shows they took the blows
And did it my way
Yes, it was my way

RMP
3/8/2017
Winnipeg MB Canada


Monday, March 6, 2017

TIRADA

"Kung ang isinalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha't may pakitang giliw, lalong pagkaingata't kaaway na lihim, siyang isaisip na babakahin.” Francisco Balagtas

Sarap paglaruan ng mga kataga
Di mawawala ang pananabik sa pagbuo ng tula
Bawat linya, bawat banat parang baril na rumaratrat
Simulan na ang tirada tama na ang satsat
Tamaan na kung tamaan ang mga nagyayabang
Matataas ang lipad wala namang napatunayan
Akala mo mga santo ugali namang bandido
Madidilim na lihim sa isip ay nakakandado

Tapat pag kaharap pag talikod nananaksak
Pag iba ang kausap iba rin ang ipinuputak
Ngakngak nang ngakngak daig pa ang nakalaklak
Kapag sinapian talo pa ang bumabatak
Lalo pang dumadami lalo pang kumakalat
Ang lagim na dulot sakit na lumalaganap
Bumabaha ang agos ng mga mapagpanggap
Pa demure sa labas pero grabe pag tinotopak

Kala mo tahimik ang lutong pag nagmura
Wala kang kamalay malay na sinisiraan ka
Makikitid ang mga isip na nabubuhay sa inggit
Daig pa ang mga limatik kung makasipsip ang lintik

Nagkalat sa lipunan para lang nasa mga basurahan
Pa amen amen pa ang mga nagbabanal-banalan
Kunwari nakikiramay pero nag-eenjoy naman
Malungkot ang mukha pero isip ay nagbibilang
Mga lihim na sumpa ang iniipon sa dibdib
Walang kaibigan, kamag-anak o kapatid
Basta umatake ang pagiging ganid
Ang mga damdamin ay nagiging manhid

Bato-bato sa langit tamaan wag magagalit
Kung sino ang affected ng mga mensahe kong generic
Medyo basic pero umaabot hanggang sa langit
Guilty ang mag react pagkat katotohana’y masakit
Libangan lang na mayroong kabuluhan
Ang mga kataga laging may pinatutunguhan
Humuhugot, nagpapanday ayon sa mga karanasan
Kung sinuman ang mahiwa wala na akong pakialam

Kala mo tahimik ang lutong pag nagmura
Wala kang kamalay malay na sinisiraan ka
Makikitid ang mga isip na nabubuhay sa inggit
Daig pa ang mga limatik kung makasipsip ang lintik

Mga titik at kataga na naging isang tula
Gamit na pananggalang, sandatang may patama
Minsan naman ay naglalaro lang pag walang magawa
Pag may pumasok sa isip yun ang agad kinakatha
Halo-halo kadalasan naman ay humahango
Sa mga naranasang di na  kaya pang maitago
Lumalawak, lumalalim ang mga bakat sa puso
Isang kathang kumukulo ibubuhos nang may mapaso

Hanggang may salita hindi kailanman matatapos
Hindi naman sikat kaya hindi ako malalaos
Sa pagsusulat hindi maghihikahos
Para lang ulan lagi akong may ibubuhos
Kung para sa inyo ito o kung para kaninuman
Kasama sa gawa ang paghuhulaan
Kung nakasakit man eh pasensya na lang
Blog items ko gusto ko lang madagdagan

Kala mo tahimik ang lutong pag nagmura
Wala kang kamalay malay na sinisiraan ka
Makikitid ang mga isip na nabubuhay sa inggit
Daig pa ang mga limatik kung makasipsip ang lintik

RMP
3/5/2017
Winnipeg MB Canada

Sunday, March 5, 2017

BIRADOR

Banaag sa sulyap ng iyong mga mata
Mukhang mayroon ka na namang itutumba
Di nababahala ang damdamin ay tiyak
Mga sunod na gagawin sa isipan nakatatak
Lubog sa kumunoy, biktima’y nananaghoy
Kailan ka hihinto sa pagbuga ng apoy?
Sa bawat pagkitil may utang na dugo
Kay kamatayan laging nakikipaglaro

Ang tanong bakit mo ito ginagawa?
Pera pera lang ba o para sa bansa?
Patahimikin ang gustong ngumawa?
O utos lang ni Sir at wala kang magagawa?

Di makatakas sa mga nakaraan
Karahasan lagi mong sinusundan
Lihim na pagkitil ay pinagtatakpan
Eskwala at tingga ang sinasandalan
Sagasa kung sagasa walang pakialam
Pagsabog ng pulbura tyak may titimbuwang
Sentido at dibdib hahanapin ng tingga
Sa isang iglap lang hininga’y mawawala

Ang tanong bakit mo ito ginagawa?
Pera pera lang ba o para sa bansa?
Patahimikin ang gustong ngumawa?
O utos lang ni Sir at wala kang magagawa?

Bakal na dala ang tanging puhunan
Ang mga kontrata wala nang pirmahan
Palihim ang bigay kung may kabayaran
Kailangang ikubli ang pagkakakilanlan
Patuloy ang daloy ng sariwang dugo
Mula sa mga butas na likha ng punglo
Lihim ng pagkatao ay kailangang itago
Sa bawat tirada hindi dapat mabigo

Ang tanong bakit mo ito ginagawa?
Pera pera lang ba o para sa bansa?
Patahimikin ang gustong ngumawa?
O utos lang ni Sir at wala kang magagawa?
  
Mukhang dadami pa, marami pang susunod
Serbisyo niyo malayo pa sa pagbulusok
Di alintana ng bayan ang alingawngaw ng putok
Kapag adik at kriminal ang mga tinetepok
Collateral damage mukhang katanggap-tanggap
Hustisya sa mga pinatay mukhang di na mahahanap
Kaya mga anino niyo patuloy na lumalaganap
Bilang ng mga naitumba na mukhang hindi pa sapat

Ang tanong bakit mo ito ginagawa?
Pera pera lang ba o para sa bansa?
Patahimikin ang gustong ngumawa?
O utos lang ni Sir at wala kang magagawa?

RMP
3/5/2017
Winnipeg MB Canada