Wednesday, January 31, 2018

PITO

Kimkim o hayag man kapag naramdaman
May matutumba, mayroong masasaktan
Kapag itinanim sa puso at laging diniligan
Ang bunga ng GALIT ay kapahamakan

Kahit hindi pag-aari pilit pang kinukuha
Patuloy ang kabig hindi kayang magtira
Walang mga kaibigan o kadugo sa kaniya
Dahil sa KASAKIMAN iwinaksi ang konsensiya

Mabagal kumilos at TATAMAD-TAMAD
Laging nauunahan saan man mapadpad
Palaging umaasa mga palad ay nakalahad
Kailangang pang itulak para kusang maglakad

Ayaw papatalo dahil alam daw ang lahat
Sa bawat pagtitipon dapat siya lang ang sikat
MAPAGMATAAS, mga mali ay di tinatanggap
Panay “ako ang magaling” saan man humarap

Laging nakatingin, laging may pinapansin
Kapag kapwa ay umuunlad siya ay napapraning
Ang INGGIT sa dibdib ay palalim nang palalim
Naghahanap ng damay pag problema’y sapin-sapin

May laman pa ang bibig nakatingin na sa hapag
Lamon, lunok, lamon walang tigil ang pag ngasab
Kala mo mauubusan panay panay pa ang dagdag
Dahil sa KATAKAWAN walang hinto ang paglungad

Sa bawat titig may PAGNANASA sa isip
Kahit hindi nararapat mga laman ay umiinit
Namumuo ang kalapastanganan at pakikiapid
Kapag di makapagpigil humahantong sa pamimilit

RMP
1/30/2018
Winnipeg MB Canada





Friday, January 26, 2018

RANDOM #91

There are no such things as small mistakes in politics. No matter how trivial you may think they are, they can be magnified and used against you. Remember, those who do not like you will pay more attention on your slip-ups particularly if you are a pretentious, incompetent, self-serving and rude public figure.

RMP
1/25/2018
Winnipeg MB Canada

DEBTPRESSION

Debtpression is the crippling emotion that is a combination of financial anxiety caused by loans and depression. Urban Dictionary

inflow versus outflow
you don’t know where to go
receipts are piling up
there’s so much that you owe
with deficit spending
you’re running out of ammo
with the increasing rates
debt ratio becomes your foe

to pay an obligation
your aim is to borrow more
it’s now a vicious cycle
what’s left is an empty drawer
this condition might turn you
into a delinquent debtor
when debtpression sets in
that’s the real credit score

RMP
1/25/2018
Revised 11/13/2018
Winnipeg MB Canada

Monday, January 22, 2018

ON THE SPUR OF THE MOMENT

“Words are powerful, they have the ability to create a moment and the strength to destroy it.” Anonymous

without a warning
anything can change
something has to stop
though it may look a bit strange
it doesn’t really matter
even if we’re at close range
sometimes we have to make
an unlikely exchange

we’ve got to choose
think about the plan again
we’ll hear a twisted question
every now and then
even a stupid one-liner
can bring us to a solitary den
words can really shake us
we just don’t know how and when

there’s no perfect time
when realization comes in
an outcome is unsure
even if we’re aiming for a win
when the trigger is pulled
we can’t stop the firing pin
on the spur of the moment
we can be broken from within

RMP
1/21/2018
Winnipeg MB Canada



Sunday, January 21, 2018

KAPAL MOCHA VS TRILLILING FLIPTOP BATTLE (WASAKAN EDITION PART 2)

Mga Ka FB, mag-ingay!!!!!

Round 1

Trilliling

Ayos na ang buto-buto kasama ka na
Nasa line up ka na nga ng partido de puta
Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng kembot
Kayang kayang patigasin ang matandang malambot
Dibdib mo lang ang malaman pero ampaw ang utak
Kabi-kabila ang sablay kapag pumuputak
Tulad ka na ng amo mo na sa dami nang palpak
Bulag na supporters nyo na lang ang pumapalakpak

Pero pakipot ka pa at kunwari ay di interesado
Hihintayin pa ang desisyon ng iyong manyak na lolo
Nasarapan talaga siguro sa mga pinakain mo
Ginilingan mo siguro kaya ikaw na ang panalo
Dinaan mo siya sa kiliti kaya laging nakangiti
Di pa kayo noon nakaupo panay na ang iyong lagari
Di nakapagtataka talaga kung bakit ka laging pinipili
Puhunan mo lang naman ay balakang, dibdib at labi

Time!!!

Kapal Mocha

Ah ganun? Partido de puta pala
Eh ikaw nga senador na lalaking mahadera
Panay ang talak mo palpak naman ang pruweba
Tulad ka rin ng amo mo sa Hacienda Luisita
Panay ka lang simula di mo naman itinutuloy
Nakakabitin ka parang malambot na manoy
Ok ba ang love life mo? Baka pareho kayo ni abnoy
Ilabas nyo kasi ang tunay nyong amoy!

Eh ano kung pakipot wala ka nang pakialam
At least makipot pa kaysa naman sa maging tigang
Huwag mo nang tingnan ano ang aking puhunan
Ikaw nga nanalo dahil lang sa yabang
Matikas umano kasi lider ng pag-aaklas
Eh lahat naman ng ginawa mo panay lang palabas
Kapag nakokorner ka hahanap lang ng butas
Kung di makalusot eh pasimpleng tatakas

Time!!!

Round 2

Kapal Mocha

Pag-usapan naman natin ang iyong mga kakampi
Konti lang naman sila kasi nga eh minority
VP Lening panay ang project ng sarili
Obese na Drilon panay ang hilik sa isang tabi
Riza na kung bumanat parang grade school lang
Si Bam na pacute apelyido lang ang sandalan
Ang nangangamoy lupa na si Edcel Lagman
At si De Lima na kapiling ay rehas ng kulungan

Ok balik na ulit tayo sa yo
Ano ba talaga ang pinaglalaban mo?
Noong Yolanda, Luisita at Mamasapano
Kahit ni katiting wala kang nasabi dito
Ngayon ang dami dami mong sinasabe
Tahimik kapag palpak si Mr. Palengke
Mag audition ka na lang kaya sa dos o siyete
Bagay na bagay ka sa mga teleserye

Time!!!

Trilliling

Sige lang, minority kami ngayon
Tandaan mo ang pulitika ay pana-panahon
Kaya lang naman mas marami kayong miron
Popular pa rin kasi ang papa mong si Digong
Ipapakain ko sa yo at ipalululon
Lahat ng sinabi mo at katulad mong kampon
Pati ghost writers mo isasama kong ibabaon
Kaya sulitin mo na bilang na mga pagkakataon

Hintay ka lang tuloy mo lang ang pambubugaw
Pati ang pagsusulat sa blog mong kaybabaw
Patuloy mong ipahigop ang mainit mong sabaw
Mya pagkakalagayan ka pagdating ng balang araw
Huwag mong underestimate ang mga kapartido ko
Sila ang ay mga tapat na naglilingkod sa tao
Ehem sandali lang medyo ako ay inuubo
Penge nga ng tubig mukhang na chochoke ako

Time!!!

Round 3

Trilliling

Teka sandali need to catch my breath
Pakilakasan lang ang aircon sobra na ang inet
Na choke lang ako kanina kaya medyo sumabet
Pero tuloy lang ang laban kahit na nanlalagket
Saan na nga ba tayo? Ah sa argument mong malamya
Mahirap pa lang kalaban ang panay ang pagtihaya
Mababaw ang isip, walang kwentang magsalita
Blogger ng fake na news, facts ay dinadaya

Pero humanda ka hindi kita patatawarin
Sa mga bibitawan kong malupit di ka sasantuhin
Ibibitin ka ng sinasabi mong trililing
Tingnan ko lang kung makakaya mo pang gumiling
Sige sipsip pa at patuloy kang sumiping
Daanin mo sa kindat at patagong paglalambing
Kapag nakabalik kami ikaw ang uunahin
Kahit magmagmakaawa ka HU U ka sa akin

Time!!!

Kapal Mocha

Mukhang sa akin ang huling halakhak
Sumabit ka na kanina so sino ang palpak
Di muna nag-iisip bago  tumalak
Para kang inahing manok putak ka nang putak
Asa ka pa na talaga makakabalik pa kayo
Kung mapalitan man kami di manggagaling sa inyo
Matagal na kayong isinuka ng mga tao
Mga yellowtards na lang naniniwala sa inyo

At saka bakit mo pinag-iinitan ang aking katawan
Kung magaling mang gumiling ano’ng iyong pakialam
Kung makapagsalita ka parang wala kang nalalaman
Eh yung kakampi mo andaming bf sa kulungan
Paghahadaan ko mga pagbabanta mo sa akin
Pero unahin mo muna kaso ng amo mo na sapin-sapin
Mauuna muna ang araw mo just watch what will happen
Sumama ka na lang sa amo mo na magpasagasa sa tren

Time!!!

Kayo na humusga mga Ka FB….Peace!

RMP
1/20/2018
Winnipeg MB Canada









Wednesday, January 17, 2018

GRAPPLER

“These are issues we've been grappling with since the Constitution was written: how you hold your government to account for its words and deeds. It's all about power and the abuse of power.” Valerie Plame

a master striker
with a killer’s instinct
is out there in the ring
waving a hammer fist
his sweeping style
is his deadliest trick
with back and side control
his foes tapped out and quit

a one-man show
delivering a fatal blow
the crowd is restless
waiting for that final throw
the opponent is pinned down
tired, beaten and moving slow
while the reigning champ
keeps on hitting with his elbow

RMP
1/17/2018
Winnipeg MB Canada

MAYON

stunning from a distance
but fiery from inside
when your fury comes out
a curse is left untied
there’s a death wish
in that majestic pride
even in your silence
some doubts never subside

a potent voice of warning
when you spew out your wrath
nothing will be spared
traversing your deadly path
with your temper rising
we can only wait and watch
man against nature
there’s always a mismatch

RMP
1/16/2018
Winnipeg MB Canada


Monday, January 15, 2018

MR. WINTER

Mainit pa rin ang ulo
Mukhang galit na galit
Quota na nung December
Kahit January ay humahapit
Meron nang Polar Vortex
Meron pang Arctic Blast
Ano pa ang isusunod mo
Sa daily weather forecast?

Snow pa more! Lamig pa more!
Bundle na talagang wagas
Tindi ng windchill sa labas
Super duper na nakapaninigas
Chill ka lang Mr. Winter
Ikaw na nga ang winner
Dahil ba kay global warming
Kaya di ka maka get over?

Sa dami ng ginulat
Ikaw ay sikat na sikat
Record breaker to the max
Ikaw ay walang katapat
Kaya wag nang lubusin
Ang extreme cold warnings mo
Nang medyo dumalas naman
Ang nauudlot kong pagtakbo

RMP
1/14/2018
Winnipeg MB Canada






Saturday, January 13, 2018

FROSTBITE

kinain ng sobrang lamig
ang nalalabing init
wala nang nararamdaman
unti-unting namamanhid
nagbabanggaan na
ang puso at isip
kahit ang nakatago
mukhang di masasagip

kapag ipinagpatuloy
mas nakakabahala
ang sugat na tinamo
maaaring pang lumala
kailangan bang masaktan
upang magtanda
kaya kung magtatangka
siguruhing laging handa

ang hiram na init
ay madaling mapawi
bigyan mo lang ng puwang
ang lamig kahit sandali
ganun din ang taong
laging nagbabakasakali
mas madalas humahantong
sa mga pagkakamali

hindi lahat ng laban
ay may kabuluhan
ang lakas na taglay
ay mayroong hangganan
subalit minsan
kailangan ang masaktan
upang muling lumingon
sa pinanggalingan

RMP
1/12/2018
Winnipeg MB Canada


Thursday, January 11, 2018

TULOY LANG

kung marunong lang akong maggitara
nakagawa na sana ako ng maraming kanta
kapag wala kasing himig
parang di kumpleto ang letra
gaya ng buhay ng tao
parang hindi rin kumpleto
kapag hindi mo magawa
mga bagay na gusto mo

mas madali pang tandaan
ang bawat salita
habang idinuduyan
ang mga kataga
ang kahulugan
naglalakbay na kusa
manunuot sa damdamin
sa puso at sa diwa

subalit minsan
hindi na rin kailangan
anumang instrumento
upang maipaalam
ang awit ng buhay
ay papailanlang
lubos man ang pag-ibig
o may halong pagkukulang

tuloy lang ang sulat
kahit walang melodiya
manghihiram ng ritmo
upang medyo sumaya
wala namang problema
kung may mga kulang pa
tuloy lang ang buhay
yan ang mahalaga

tuloy lang ang buhay
may pagkukulang man
ang buhay kasi natin
ay paikot-ikot lang
may mga bagay
na ating mararanasan
meron din namang
hanggang sa tingin na lang

tuloy lang ang pag-iipon
saan man pumaroon
bawat karanasan
ay gagawing pagkakataon
kung hindi pa man
talagang napapanahon
tuloy lang ang pananalig
sa ating Panginoon

RMP
1/7/2018
Winnipeg MB Canada


HOMESICK

Kahit hindi iniisip palagi sa panaginip
Kahit sa pag-idlip larawan ay nasisilip
Hindi kayang itago ng mga pagtatakip
Pananabik na nadarama ng puso at isip

Nilalabanan subalit laging nariyan
Katok sa damdamin ay pangkaraniwan
Kahit makapangyarihan ang sinasandalan
Laman ng ala-ala ang aking munting bayan

Kaya bang ipagpalit kung sa puso nakaguhit
Ang pagkakakilanlan na hinulma ng pag-ibig
Kaya bang higitan ng yamang makakamit
Ang ligaya ng puso sa bawat pagbabalik

Di maipagkakaila mga nararamdaman
May mga pagkakataong hindi malilimutan
Lumayo man ng matagal lagi kang nariyan
Sa iyo pa rin magbabalik puso, isip at katawan

RMP
1/6/2018
Winnipeg MB Canada

Monday, January 8, 2018

ABSOLUTE HYPOCRISY (My Version of Alarm’s Absolute Reality)

Beware of false prophets, which come to you in sheep's. clothing, but inwardly they are ravening wolves. Matthew 7:15

Hey now now
Hey now now

You always preach
Go to Bible school
You shake hands while standing in the hall
Light in the dark, a faithful knight
But a cunning swindler in your own times
You saved the lost but play around
You claim the true path to the holier ground
You have your belief, author of deceit
Just to lead the blind
Oh no no

You always claim the truth
And treat the rest as false
You are the king of the lost and found
You raise the cup worship the crown
You bring a judgment to the rest of the town
You speak of God’s love
But it’s only your bait
You can deceive even the heads of the state
But even you you’ll eat your pride
When it’s time for you to die

This is absolute hypocrisy, hypocrisy, hypocrisy
You are here because
You’re the source of all hypocrisy

Hey now now
Hey Hey hey

You only get your goal
When the crowd’s controlled
You’re the Judas sheep in front of the fold
You play your card
When you fake a Godly call
You’re an angel but a devil to the core
You trick the innocent and put them to shame
You have made them afraid every time you’re on stage
But there’s one thing you can’t really find
That peace inside your mind

This is absolute hypocrisy, hypocrisy, hypocrisy
You don’t speak the truth, this is absolute hypocrisy
The absolute crime, the absolute case
The absolute vow for the absolute salvation
It’s absolute hypocrisy now

This is absolute hypocrisy, hypocrisy, hypocrisy
This is absolute hypocrisy, hypocrisy, hypocrisy
This is absolute hypocrisy

La la la la la
This is absolute
La la la la la
Hypocrisy
La la la la la
This is absolute hypocrisy

RMP
1/7/2018
Winnipeg MB Canada





Saturday, January 6, 2018

SOCIAL MEDIA WORLD (My Version of Francis M’s Kaleidoscope World)

So many fakers so many haters
Different takers different makers
Some just add while others bluff
Some are clones with no photograph
Others give and show their purse
And others hide behind a sarcastic verse
Some aren’t sure what they just spread
Some just cover for the time they wasted
Some feel like rich when they go on dates
Some show off the foods on their plates
Some shout out but bogus friends
Some are brat and proud while some just grin
Some offend and some just pose
Some are scams while some just boast

Every like or every view
Will be monitored by me and you
Take a side yes or nope
Fake a look and say we’re full of hope
Be profound and stay unfurled
In this social media world

Some just hate whatever we do
Others sigh when they learn the truth
Some stay home and do their thing
Others swing and they act like kings
Showing it all is the rule of the thumb
Let the timeline be an arena for some
Some are grim, their minds just stink
And some will find a better link
Others stalk while having fun
Some don’t want peace they show their guns
Some are flirt and start to spy
After adding a friend a girl or guy
Some offend and some just pose
Some are scams while some just boast

Every like or every view
Will be monitored by me and you
Take a side yes or nope
Fake a look and say we’re full of hope
Be profound and stay unfurled
In this social media world

Social media world
In this social media world

RMP
1/05/2018
Winnipeg MB Canada

Wednesday, January 3, 2018

RANDOM #90

“All happy families resemble one another, each unhappy family is unhappy in its own way.” Leo Tolstoy

we can forge the images
but not what is inside
smiles are just facades
of an offended pride
we can be together
while enmity lingers on
words are just useless
when a line has been drawn

struggling in silence
while the posts laugh out loud
hypocrisy is concealed
when blending with the crowd
a vision of a happy home
radiates through each other’s eyes
no amount of pretension
can soothe our regretful cries

likeness in happiness
uniqueness in struggle
together in triumph
alone in protracted battle
obsession in perfection
while hearts gently weep
there’s no valid excuse
for a wound so old and deep

RMP
1/3/2018
Winnipeg MB Canada

A RUNNER'S WAY

“To keep on going, you have to keep up the rhythm.”
― Haruki Murakami, What I Talk About When I Talk About Running

battling the elements
even for reasons unknown
each run is a witness
even if I do it all alone
there are new discoveries
even meanings found from pain
it may look and sound crazy
but running keeps me sane

the inner peace becomes a gift
from each persistent stride
there’s a sense of relief
when I do it from outside
the sounds of my footsteps
remind me of a superior power
the right time is here
why wait for the eleventh hour

keeping up the rhythm
is a personal choice
the more active I am
the more I hear the inner voice
there are risks I know
when I go beyond the norm
but this is a runner’s way
to be in a better form

RMP
1/02/18
Winnipeg MB Canada