Monday, November 9, 2015

RANDOM #44

Pagitan ay walang saysay hangga’t buhay ang pagasa
Na kahit na magkalayo ay muli pa ring magkikita
Unti-unting mababawasan mga araw na binibilang
Sa muling pagtatagpo maglalaho ang pagkukulang

Gaano man katagal, gaano man kalayo
Di kailanman malilimot ang mga pangako
Ang mga narinig at ang mga nasaksihan
Mga aral na dadalhin sa pinanggalingan

Kung kailan lumayo saka natagpuan
Mga hinahanap nandun lang sa iniwan
Kahit na payak payapa ang pag-iisip
Ngayon ay handa na sa muling pagbabalik

May kani-kaniyang landas, may kani-kaniyang pananaw
Kaligayahan ay naayon sa mga nais na matanaw
Ang katahimikan ng isip, ang pagiging malaya
Wala sa gusto ng iba kundi nasa sariling ginagawa

May mga masasaktan, maaaring mayroong magagalit
Sa bawat pagpili minsan may mga maiipit
Tama man o mali kailangang magpasiya
Tanggapin man o hindi sa muling pagkikita

RMP
11/08/2015
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment