Sunday, November 29, 2015

RANDOM #47

“Where we love is home, home that our feet may leave, but not our hearts.” Oliver Wendell Holmes

losing my senses bit by bit
nostalgia’s creeping in my soul
the landscape’s now an enemy
my eyes see a distorted role
alone in my shrinking world
i struggle inside a pressure dome
inside this lonely space
i long for the scent of home

down on my knees
i am trying to be strong
i know it won’t be easy
to figure out what went wrong
reminded and consumed
of the life I left behind
this journey I chose
is an unending uphill climb

a sign of weakness maybe
or I just simply realized
the deviation I made
is now claiming its’ prize
the allure of everything
in this place where I now roam
won’t ever surpass the feeling
when I smell the scent of home

RMP
11/28/15
Winnipeg MB Canada

Saturday, November 28, 2015

RANDOM #46

sinusuway ng puso
ang dikta ng pagkakataon
hakbang ay patungo sana
sa itinakdang panahon
subalit ang tadhana
ay sadyang mapaglaro
kanyang paghihiwalayin
mga damdaming pinagtagpo

landas ay patungo
sa mga sangandaan
isip ay malilito
tanong ng puso ay saan
bitbit ang nabuong bigat
ng naglalahong pangarap
ang pagbibigay ng laya
minsan ay mapagpanggap

maubos man ang luha
huminto man ang pag-iyak
sa kaibuturan ng puso
katotohanan ay tiyak
pumalaot man sa kawalan
damdaming pinaghiwalay
puso ay di mapapagod
laging handang maghintay

RMP
11/27/2015
Winnipeg MB Canada

Thursday, November 19, 2015

WINTER BLUES

shorter days and longer nights
thermal readings dropping low
all the greens are turning white
everything seems going slow
there are lesser things to do
more will opt to stay inside
nostalgia's at the doorstep
there are feelings I can't hide

RMP
11/19/15
Winnipeg MB Canada

Sunday, November 15, 2015

EPEK NG APEC

Darating na ang mga bisita
Panay VIPs, mga di basta basta
Dapat ipakita na bansa’y maganda
Hala! ilabas na ang mga pintura

Ang mga ilaw palitan ang pundi
Linisin ang lahat ng makitang madumi
Kalsada’y maluwag siyempre holiday
Mga taong kalye siguradong mawawaley

Top of the line na mga sasakyan
First class na treatment ok lang naman yan
Imahe naman daw ng bansa ang nakataya
Mahirap na nga naman kung sila’y mapahiya

Yun nga lang pag-alis ng mga bisita
Balik sa dating gawi ang mga ratsada
Ang special ay magiging regular
Pakitang tao di talaga nagtatagal

Mabilis kumilos sa mga bigatin
Mga kababayan laging binibitin
Sa tindi ng seguridad walang makakalusot
Inutil naman sa laglag bala dun sa airport

RMP
11/14/15
Winnipeg MB Canada

Monday, November 9, 2015

RANDOM #44

Pagitan ay walang saysay hangga’t buhay ang pagasa
Na kahit na magkalayo ay muli pa ring magkikita
Unti-unting mababawasan mga araw na binibilang
Sa muling pagtatagpo maglalaho ang pagkukulang

Gaano man katagal, gaano man kalayo
Di kailanman malilimot ang mga pangako
Ang mga narinig at ang mga nasaksihan
Mga aral na dadalhin sa pinanggalingan

Kung kailan lumayo saka natagpuan
Mga hinahanap nandun lang sa iniwan
Kahit na payak payapa ang pag-iisip
Ngayon ay handa na sa muling pagbabalik

May kani-kaniyang landas, may kani-kaniyang pananaw
Kaligayahan ay naayon sa mga nais na matanaw
Ang katahimikan ng isip, ang pagiging malaya
Wala sa gusto ng iba kundi nasa sariling ginagawa

May mga masasaktan, maaaring mayroong magagalit
Sa bawat pagpili minsan may mga maiipit
Tama man o mali kailangang magpasiya
Tanggapin man o hindi sa muling pagkikita

RMP
11/08/2015
Winnipeg MB Canada

Thursday, November 5, 2015

MAGTANIM (NG BALA) AY DI BIRO

Magtanim ay di biro
Sa NAIA may nagtatago
Bala ay nilalaglag
Marami na ang nagogoyo.

Gobyerno’y sobrang manhid
Kahit marami na’ng nagagalit
Mga bagaheng nanganganib
May tape na at naka plastic.

Si Coloma’y sawing-palad
Isolated case kanyang banat,
Mga mata ayaw imulat
Pag magsalita parang bangag.

Si Mar mali yata ang gising
Biyahero ang sisisihin
Mga balang itinanim
Di raw nila ito pasanin.

Halina, halina, mga turista,
Welcome kayo sa aming NAIA
Mga bagahe nyo pag inilabas
Baka mawalan na kayo ng bukas

Gobyerno’y sobrang manhid
Kahit marami na’ng nagagalit
Mga bagaheng nanganganib
May tape na at naka plastic.

RMP
11/5/2015
Winnipeg MB Canada

Wednesday, November 4, 2015

RANDOM#43

the trails of white smoke
slowly disappear
the images are fading
a soul is moved to tears
the present‘s now a captive
of the days gone by
a day isn’t complete
without looking at the sky

RMP
11/3/15
Winnipeg MB Canada