Monday, October 12, 2015

HALALAN NA NAMAN

Bago mag conclude pwede pakibasa muna
Para malaman kung kasama sa tinitira
Kung negative ka malamang kasama ka nga
Otherwise isa ka sa kailangan ng bansa
Heto na naman ang mga manunuyo
Masugid na manliligaw na taos daw sa puso
Ang mga sinasabi sa bawat paglapit
Mabilis magbigay sa patay at maysakit
Sa bawat talumpati tyak na namumulaklak
Sa mga pangako at mga pagpapanggap
Mayroong nagngangalit, merong ayaw papigil
Yung iba’y walang laman kaya walang panggigigil

Halalan na naman , halalan na naman
Kailangang mamili ng masasandigan
Ang pag-asa na lang ng sambayanan
Ay mga botanteng di kayang bayaran

Pag nasa labas panay ang pangangamay
Pag may mga sanggol kukunin tiyak sa nanay
Polyetos, kendi, payong, babasahin at pamaypay
Kulang na lang tumulong sa paglalaba’t pagsasampay
Tatagay kahit di sanay susubo ng kaning lamig
Aakapin ang matatanda animo’y nananabik
Pag nasa entablado sasayaw at kakanta
Magpapa pray over pa sa mga hungkag na propeta
May solid na united, meron ding chopsuey
Swerte ang may partido iba nma’y palaboy
Political butterflies, orphans naman ang iba
Iba nama’y oportunista na gasgas na ang plataporma

Halalan na naman , halalan na naman
Kailangang mamili ng masasandigan
Ang pag-asa na lang ng sambayanan
Ay mga botanteng di kayang bayaran

Picture na di tumatanda halatang niretoke
Nakadikit sa pader , sa mga bakod at sa poste
Ganda ng mga slogan Makadiyos, Makabayan
He he he tingnan natin pagkatapos ng halalan
Eto ang mas matindi dahil sa kapangyarihan
Kalaban sa pulitika hantungan ay libingan
Walang sinisino basta ginusto
Yari ang kalaban pag nagkagulo
Kung hindi bala tyak na pera naman
Ang paiiralin manalo lamang
Bibili ng boto ang mga kandidato
The price is right sa gustong manalo

Halalan na naman , halalan na naman
Kailangang mamili ng masasandigan
Ang pag-asa na lang ng sambayanan
Ay mga botanteng di kayang bayaran

Ala nang pag-asa ganito na ba talaga
Political compromises yan ang magdadala
Labanan ng prinsipyo ay lumipas na
So ang tanong ko may pag-asa pa ba?
Kaaway kahapon kasama na ngayon
Dating kapanalig sa kalaban ay sang ayon
Kumpare, kaibigan kahit kamag-anak man
Dahil sa pulitika tyak magbabaligtaran
Batu- bato sa langit tamaan wag magalit
Kung ikaw ay kasama sa mga nabanggit
Ganun talaga kanya kanya ang pagtira
Eto lang ang paraan ko kasi kulang ako sa pera

Halalan na naman , halalan na naman
Kailangang mamili ng masasandigan
Ang pag-asa na lang ng sambayanan
Ay mga botanteng di kayang bayaran

Kung sino pa namumuno siya pang pasaway
Pondong di kanya sa account nya nilalagay
Yan ang dahilan kung bakit nila ginusto
Maupo sa poder at makopo ang puwesto
Heto na naman meron pa bang bago
Wala na ang ma prinsipyong partido
Alyansa ng oportunista at pahirap sa masa
Pag di magkasundo ay magkakanya kanya
Pulitika, negosyo at mga kompromiso
Dyan umiikot ang kanilang mundo
Halalan ay bahagi ng isang proseso
Upang mapanatili kapangyarihan sa puwesto

Halalan na naman , halalan na naman
Kailangang mamili ng masasandigan
Ang pag-asa na lang ng sambayanan
Ay mga botanteng di kayang bayaran

Di ko naman nilalahat mayroon pa ring matitino
May dalang prinsipyo na di kailanman isusuko
Mayroon pa ring iilan na handang lumaban
Kahit na masalimuot ang kanilang dadaaanan

RMP
5-1-2013
Edited 10/12/2015
Winnipeg MB Canada


No comments:

Post a Comment