Thursday, December 30, 2021

BUDHING MONG MAITIM (Bikining Itim Parody)

Sa ‘yong inaakala nalimot na kita
Gayong ikaw sa akin ay may utang pa
Buhat nang magtago ka ako ay nagdurusa
Kahit ka lumayo sana’y malaman mo
Hoy! may utang ka pa!

Hinanap ka sa inyo at kung saan-saan
Mayro’ng nakapagsabing ika’y nasa Gapan
Sabi mo ay magbabayad ng utang kada buwan
Dahil nagtiwala naniwala sa yo
Nautangan ako

Ang iniingat-ingatan ko na listahan ng utang mo
Na tinutuos-tuos ko pa
Kung magkano na’ng naihulog mo
Ako’y dumadalangin na kahit manawari
Wag sanang maging manhid budhi mong maitim
Magbayad ka sa ‘kin

Ang laging pinapangako mo ikaw ay mababayaran ko
Ngayon ay nagtatago ka na
At no answer sa mga tawag ko
Ako’y dumadalangin na kahit manawari
Wag sanang maging manhid budhi mong maitim
Magbayad ka sa ‘kin

Wag sanang maging manhid budhi mong maitim
Magbayad ka sa ‘kin
Wag sanang maging manhid budhi mong maitim
Magbayad ka sa ‘kin

RMP
12-29-21
Revised 01-17-22
Winnipeg MB Canada

BUMABAGSAK NA NAMAN ANG SNOW (To the tune of Pumapatak Na Naman Ang Ulan by Apo Hiking Society)

Bumabagsak na naman ang snow sa harap ng bahay
Di maiwasang magpala kung may sarili ka nang bahay
Bagsak ng bagsak minsan magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti yung iba patulog tulog lang
At nagpapalaki ng tiyan

Ang snow ay sobrang dami
Ang pathway ngayon ay icy 
Winter talagang ganyan
Ang oras ay di na magkasya
Heto may second job pa snow ayaw kang tantanan
Winter hassle now is here, kaya tiis na lang
Kahit nahihirapan sa pinoy walang atrasan
Ang buhay immigrant
Di pagpapasarap kaya konting
Intindi lang dyan

Trabaho, kayod hindi na makagimik
Tambak pa ang snow sa mga daan
At kung meron kang pupuntahan
Mag-ingat kalsada ay may kadulasan
Aha…

Nasisindak ang mata pag nakita ang tambak na yelo
Hanggang hampas ka na lang habang nagpapala ng todo
Sa paghinto ng snow ano ang gagawin
Huwag ng isipin at bukas ay uulitin
Mabuti pa kaya pumunta na sa Youngs
Baka meron ka pang bibilhin
Bumabagsak na naman ang snow (3X)

RMP
12-29-21
Winnipeg MB Canada


Monday, December 6, 2021

IPOKRITA BLUES (Estudyante Blues Parody)

Laging may nakikita
Laging may nasisisi
Pero madalas sila sa simbahan
Paggising sa umaga
Bible ang almusal
Bukambibig naman puro duda

Kapag nasa dasalan
Nagbabanal-banalan
Panay maka Diyos ang awitin
Kasama sa iyakan
Anghel kung pagmamasdan
Ipokrita ang damdamin

Lagi sila sa simbahan
Panay naman tsismisan

Nanggaling sa kapilya
Meron agad kaaway
Minsan nauuwi sa sampalan
Aksyon ay hindi bagay
Salita minsa’y mahalay
Sa mali ay nagbabantay

Tatawa parang loka
Taas mga kamay pa
Suot na naman ang maskara
Lider sa kapatiran
Lunod sa kasalanan
Ipokrita ang damdamin

Lagi sila sa simbahan
Panay naman tsismisan

Laging may nakikita
Laging may nasisisi
Pero madalas sila sa simbahan
Paggising sa umaga
Bible ang almusal
Bukambibig naman puro duda

Kapag nasa dasalan
Nagbabanal-banalan
Panay maka Diyos ang awitin
Kasama sa iyakan
Anghel kung pagmamasdan
Ipokrita ang damdamin

Lagi sila sa simbahan
Panay naman tsismisan

Laging may nakikita
Laging may nasisisi
Pero madalas sila sa simbahan

RMP
12-05-21
Winnipeg MB Canada


Saturday, December 4, 2021

RANDOM #124

 “If your success is not amazing to your critics, it disturbs, infuriates, and frustrates them, and if they're not careful; they may hang themselves and go to hell.” Michael Bassey Johnson

secretly rejoicing 
when you’re about to hit the wall
infuriated every time 
it seems you have them all
hang up on you 
when you’re on a distress call
envy eats them up 
when they see you standing tall

watching your every move 
they chant their magic spell
something within them dies 
when they see you doing well
a mournful cry echoes 
inside their hollow shell
pious from the outside 
but their souls burn in hell

RMP
12/01/17
Revised 12/04/21
Winnipeg MB Canada


Tuesday, March 16, 2021

ELEKSIYON NA… (Inuman na ng Parokya Parody)

Magdagdag ka pa ng tropa
At mayroon tayong itutumba
Maghanda ka na ng kaso
At may ipakukulong tayo

Maghanap ka na ng susi
Pati na rin ng pantali
Mag-aabang tayo sa kanto
At may ibabaon tayo

Larga na yan, eleksiyon na
Hoy pare koy bakbakan na
Mag-iingat sa mga kalaban 
Naghihintay nag-aabang

Nagtalumpati sabay kaway
Kandong baby at nangangamay
Mga pangakong walang saysay
Lagayan na walang humpay

Iba-ibang posisyon ang laban
Tuloy-tuloy lang ang bigayan
Medyo dumadami na ang dayo
O.K lang basta sa atin ang boto

Larga na yan, eleksiyon na
Hoy pare koy magdagdag pa
Mga botanteng dapat bayaran
Naghihintay nag-aabang

Larga na yan, eleksiyon na
Hoy pare koy bakbakan na
Mag-iingat sa mga kalaban 
Naghihintay nag-aabang

Larga na yan, eleksiyon na
Hoy pare koy magdagdag pa
Mga botanteng dapat bayaran
Naghihintay nag-aabang

Larga na yan, eleksiyon na
Hoy pare koy bakbakan na
Mag-iingat sa mga kalaban 
Naghihintay nag-aabang

Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...
Man la la la la la lansing...

RMP
3-15-21
Winnipeg MB Canada


Wednesday, February 3, 2021

BAKUNA (to the tune of Laguna by Sampaguita)

Ahh ahh...
Ahh ahh...
Ahh ahh...
Ahh ahh...

Halika na o kaibigan
At ang listahan ay masdan
Sari-saring mga brand diyan
Ang pwede nating pamilian

Mayroong mura may mamahalin
Siguradong may kikitain
Kanya-kanyang patungan galing sa kaban
Bulsa ay magkakalaman

Ang gobyernong inaasahan
Mga tao’y nagkokontrahan
Iba-iba ang nalalaman
Panay-panay ang turuan

Ibang bakuna ang napapansin
Nahuli na daw yung mamahalin
Mas mura daw yung gawa sa China
Mga LGus na ang magpasiya

Bakuna ,nang ito ay marinig ko
Para bang itong negosyo
Maraming kikitain

Ahh... Ahhh...
Ahh... Ahhh...
Ahh... Ahhh...
Ahh... Ahhh...

Bakuna ay inaagapan
Malamang pagkakitaan
Ito ay tukso na naman
Sa mga pusong gahaman

Kahit iwasan ay nasa isipan
At nararamdaman
Sa pagtalakay ay laging kasama to
Ang SOP na hatian

Bakuna ,nang ito ay marinig ko
Para bang itong negosyo
Maraming kikitain
Bakuna ,nang ito ay marinig ko
Para bang itong negosyo
Maraming kikitain, kung iisipin mo

(Bakuna) La la la...
(Bakuna) La la la...
La la la la...
Bakuna ,nang ito ay marinig ko
Para bang itong negosyo
Maraming kikitain, kung iisipin mo

RMP
01-24-21
Winnipeg MB Canada


Sunday, January 31, 2021

LABAN LANG (EMO RAP)

Maraming bahagi lagi kang may masasagi
Kailangang pumili pero di kailangang magmadali
Huwag patatali kung ramdam mong may mali
Kung kailangang kumalas tiisin mo ang hapdi

Sigurado talagang may madedehado 
Minsan magsisiksikan pag kulang ang espasyo
‘wag masyadong magalak kung ikaw ay liyamado
Minsan ang kapalaran ikaw ay ilalampaso

Asahan mo may mga hahalakhak
Lantad o palihim may mga magagalak
Papalakpak sila kapag ikaw ay pumapalpak
Mali na nga ang kwento andami pang dagdag

Tuloy lang kahit ramdam mo na nasasagad
Pag nadapa bumangon ituloy ang pag-usad
Kahit saan man mayroon talagang manlalaglag
Kaya matuto ka na tumindig at pumalag

Kung hindi na angkop matutong bumukod
Ang pakikisama huwag idadaan sa takot
Kahit nag-iisa maghanda kang pumalaot
Kasama sa sakripisyo ang banta ng paglubog

Laban lang, hayaan mo ang panahon
Mundo ay umiikot may tamang pagkakataon
Kung nahihirapan man sa sitwasyon  mo ngayon
Umasa ka’t di ka pababayaan ng ating Panginoon


Kung kailangang umatras o magpalit ng landas
Gawin mo ito hindi dahil sa ikaw ay patakas
Minsan kailangang mag-ipon muli ng lakas
Upang sumagupa sa mga along humahampas

Buhay ay hindi pantay kaya ikaw ay masanay
Hindi ka ililigtas ng mga opinyon at palagay
Wala ring mangyayari kung laging maghihintay
May mga bagay din na di pwedeng sabay-sabay

Hinay-hinay kung sa tingin mo pagod ka na
‘wag magpakabaliw kung di kaya ng konsensiya
Wag nang magdrama sa halip ay lumarga
Kung bigo sa mga nauna marami pa namang iba

Mahirap magtiwala kaya wag agad maniniwala
Hindi lahat ng makakasama tapat sa pakikibaka
Sila iyong biglang nawawala kapag ikaw ay nadapa
Gagamitin ka lang kapag mayroong mapapala

Manalig at makinig sa tunay na kapanalig
Buksan ang puso at isip sa Diyos ay sumandig
Huwag nang ipilit kung hindi na kayang makamit
Paano makakalaya kung ikaw mismo ang nagtatakip?

Laban lang, hayaan mo ang panahon
Mundo ay umiikot may tamang pagkakataon
Kung nahihirapan man sa sitwasyon  mo ngayon
Umasa ka’t di ka pababayaan ng ating Panginoon

RMP
01-30-21
Winnipeg MB Canada