Sunday, May 10, 2020

NANAY

Wala pa mang COVID, FRONTLINERS na sila
Naglilingkod sa estado yung iba ay sa masa
STAY AT HOME MOM ang marami sa kanila
Gumagawa ng kusa kahit na walang AYUDA

Mahirap galitin pwede silang mang QUARANTINE
Talo pa ang MEGAPHONE pag tenga’y nagpanting
May LOCKDOWN na agad kahit wala pang WARNING
Kapag nagtampo tiyak may PHYSICAL DISTANCING

FLATTENING THE CURVE hindi na nila magampanan
STRESS sa nasasakupan sa kain na lang idinadaan
Kung masyadong TOXIC na ang pinagdadaanan
Hindi maiwasang ma EXPOSE sa RANDOM na tsismisan

STAY AT HOME o empleyado pareho din ang kwento
Subsob sila sa trabaho sandamakmak ang sakripisyo
Nasa Pinas man sila o nasa ibang dako ng mundo
Sila ay maaasahan kung kailangan natin ng saklolo

Kaya isang makabuluhang pagbati ang aking iniiwan
Mga ginagawa nila ay hindi kayang mapantayan
Sa dami ng hirap na kanilang pinagdadaanan
Pawi ang pagod nila sa  isang “I love you” lang.

RMP
05-10-20
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment