Sunday, May 24, 2020

NOT A WONDERFUL WORLD (Revised version of Louis Armstrong’s What a Wonderful World)

We’re in quarantine, and lock downs too
There’s not enough room for me and you
And I think to myself not a wonderful world

I see longer queues and people fight
Not the usual day, budget getting tight
And I think to myself not a wonderful world

The economy’s so slow, supplies are running dry
The politicians they don’t see eye to eye
Irate and diehard fans, saying their point of view
When enraged they say screw you

I see people posting, hit the status quo
They think they know more than their dreaded foe
Then I think to myself not a wonderful world
Then I think to myself not a wonderful world…

RMP
05-24-20
Winnipeg MB Canada

Thursday, May 14, 2020

HUGAS KAMAY (Revised Version of Hawak Kamay by Yeng Constantino)

Minsan madarama mo sila ang may problema
Minsan mahihirapan kang intindihin ang MaƱanita
Mapupuno ka lang ng galit
Tapos wala pang masusumbungan
Kaya di sila aamin
Malalaman mong may kampihan

Chorus
Hugas kamay
Hindi sila iiwan kahit sablay
Ang hatol nila’y walang katiyakan
Hugas kamay
Hindi sila iiwanan kahit na sablay
Handa silang pawalan

Minsan madarama mo
Ang gulo’t di pantay ang tingin sa mga mali ng iba
At ang agos ng hustisya’y tinatanga ka
Mapupuno ka lang ng galit
Tapos wala pang masusumbungan
Kaya di sila aamin
Malalaman mong may kampihan

Chorus
Hugas kamay
Hindi sila iiwan kahit sablay
Ang hatol nila’y walang katiyakan
Hugas kamay
Hindi sila iiwanan kahit na sablay
Handa silang pawalan

Bridge:
Wag mong subuking mangatwiran ka
Laging isipin baka bumigat pa
Abuso na to ohhh, Abuso na to...

Chorus
Hugas kamay
Hindi sila iiwan kahit sablay
Ang hatol nila’y walang katiyakan
Hugas kamay
Hindi sila iiwanan kahit na sablay
Handa silang pawalan
Handa silang pawalan
Hugas kamay, hugas kamay, hugas kamay
Handa silang pawalan…

RMP
5-14-20
Winnipeg MB Canada

Sunday, May 10, 2020

NANAY

Wala pa mang COVID, FRONTLINERS na sila
Naglilingkod sa estado yung iba ay sa masa
STAY AT HOME MOM ang marami sa kanila
Gumagawa ng kusa kahit na walang AYUDA

Mahirap galitin pwede silang mang QUARANTINE
Talo pa ang MEGAPHONE pag tenga’y nagpanting
May LOCKDOWN na agad kahit wala pang WARNING
Kapag nagtampo tiyak may PHYSICAL DISTANCING

FLATTENING THE CURVE hindi na nila magampanan
STRESS sa nasasakupan sa kain na lang idinadaan
Kung masyadong TOXIC na ang pinagdadaanan
Hindi maiwasang ma EXPOSE sa RANDOM na tsismisan

STAY AT HOME o empleyado pareho din ang kwento
Subsob sila sa trabaho sandamakmak ang sakripisyo
Nasa Pinas man sila o nasa ibang dako ng mundo
Sila ay maaasahan kung kailangan natin ng saklolo

Kaya isang makabuluhang pagbati ang aking iniiwan
Mga ginagawa nila ay hindi kayang mapantayan
Sa dami ng hirap na kanilang pinagdadaanan
Pawi ang pagod nila sa  isang “I love you” lang.

RMP
05-10-20
Winnipeg MB Canada

Sunday, May 3, 2020

SAWAYAN (Revised version of Sayawan by Sampaguita)

Kayhirap tanggapin
Kung nakikita mo sila sa umpukan
Parang wala lang ang sugalan at inuman
Kabibigay pa lang
Ng hinihintay nilang pondo
Pati mga anak kasamang nagbibingo

Chorus 1
Kayo’y nag-iinuman
Sapat pa ang pulutan
Daming mapupuruhan
Wala kayong pakialam
Kahit na pinagbawalan
Tuloy pa rin ang sawayan

Chorus 2
Galaan nang galaan
Sugalan nang sugalan
Sabay-sabay kayo sa tupadahan
Inuman nang inuman
Naglalaklakan
Kahit anong sigaw
Masama pa ay ikaw

II
Sige na, pare
Magpasaway pa kayo nang todo
Lagaw-lagaw ka lang kahit lockdown pa tayo
Magpasaway ka pa
Huwag lang isipin na libre ka
Gamot sa taong pasaway ay disiplina
(Repeat Chorus 2)

(Repeat II)
(Repeat Chorus 1 to fade)

RMP
May 3, 2020
Winnipeg MB Canada