Monday, December 23, 2019

RANDOM #123

“Idle hands are the devil’s workshop.”

glued at the mobile screen
with fingers on the keyboard
there’s nothing to do right now
something must be explored
the urge within is tempting
your emotion’s out of control
rationality is now a burden
iniquity takes over your soul

it takes only an attempt
to keep moving further ahead
it’s seemed harmless at first
you’re playing with fire instead
you gave in to a subtle trap
when you open a tiny space
the sight is so appealing but
you’re now falling from grace

RMP
12/23/19
Winnipeg MB Canada

Saturday, December 14, 2019

IDLIP

mga mata ay ipikit
at ipahinga ang isip
alisin ang antok
sa sandaling pag-idlip

diwa ay hayaang
maglakbay sa kawalan
manahimik sandali
sa gitna ng kadiliman

iwaksi ang ingay
iwan ang liwanag
kung kinakailangan
katawan ay ilatag

kung sakaling kulang
ang ginhawang hatid
hayaang iduyan ka
ng iyong panaginip

RMP
4/14/2017
Winnipeg MB Canada

Friday, November 22, 2019

RANDOM #122

“Sometimes we want to believe something so badly that we allow ourselves to be taken advantage of.”― Aaron B. Powell, Doomsday Diaries III: Luke the Protector

we build our assumptions
based on what we see
thinking it’s the right thing to do
we set our emotions free
we allowed our souls to drift
into a world of fantasy
we let our guard down
under the guise of leniency

overwhelmed by the chance
to confirm an expectation
we follow a primal urge
without the light of reason
our minds played tricks on us
until we ran out of caution
the casual gesture is now
an uncontrollable passion

we misled ourselves
then we fell into a trap
the dire consequences
build an enormous gap
when we blindly follow
someone’s unreliable map
we’ll  simply run off course
and miss the final lap

RMP
11/21/19
Winnipeg MB Canada

Thursday, November 21, 2019

KARMA

(Bunga ng mga napanood na episodes kay Raffy Tulfo)

Nadala sa pick up lines
Ngayon ay humuhugot
Madaling mapaniwala
Ngayon ay natatakot
Sobrang kasing umasa
Ngayo’y nganga at dedma
Meron na kasing kinakain
Tumikim pa ng iba

Sinabi na kasi
Walang kadala-dala
Kailangan pang magtago
Para iwas sa hinala
Pero bistado na
Diskarte ay alam na
Meron na kasing hawak
Gusto pa dumalawa

Bilis ng balik
Ngayon pahalik-halik
Kunyari pa raw
Ay may pananabik
Lumang tugtugin na
Pinagbigyan ka lang
Kahit anong gawin
Laging may pagkukulang

Wag maglaro
Kung ayaw na mapaso
Ligayang panandalian
Mabilis na maglalaho
Aba mag- isip isip
Kahit na may takip
Pag baho’y sumingaw
Ikaw ang magigipit

Dating kaklase
Nakita sa reunion
Bumalik ang nakaraan
Ayun agad naghamon
Kunyari kumustahan
Pero may namamagitan
Isang pindot lang
Bagsak na ang Bataan

Kasama sa trabaho
Sabay mag lunch out
Kung maka protect
Daig pa ang Boy Scout
Laging magkasama
May sharing pa ng drama
Ang palagiang topic
Mga problema sa asawa

Na meet sa FB
Naakit sa profile pic
Winner ang wankata
Sasabog ang dibdib
Pekeng account
Agad na binuksan
May secret convo pa
Ngayon na nalalaman

Nasa ibang bansa
Micro cheating ang simula
Ang pabeso beso
Naging higa at padapa
Ngayon nirereklamo
Sa programa ni Raffy Tulfo
Nakabuyangyang sa lahat
Alam na ng buong mundo

Karma is a bitch
Palaging tatandaan
Kaya trending si Tulfo
Dahil sa mga kataksilan
Sa dami nga raw
Ng mga nabibistong kabit
Pwede na silang magbuo
Ng isang partylist...

RMP
11/17/19
Winnipeg MB Canada




Sunday, November 17, 2019

PALIPAS ORAS

tamang inip habang bulsa ay gipit
palipas oras habang nag-iisip
ano ang sasabihin
may sense ba o wala
ah bahala na
dapat may magawa

nakatitig sa screen
at sa cursor na itim
habang nag-iisip
ano ba ang susulatin
sandali lang muna
FB ay sisilipin
tingnan kung nadagdagan
mga nag like sa akin

siya tirada na
piliin na ang mga letra
unti-unti nang buuin
ang ritmo’t mga bara
ok lang sa akin
kung meaning ay di malalim
sabi nga palipas oras
habang di pa kumakain

nag-iisip na ng paksa
habang problema ay dagsa
ano ang latest isyu
yung hindi nakakasawa
langya lalo yatang 
wala akong magagawa
bukod sa Covid 19
pare-pareho ang balita

ganun pa rin kasi 
laging paulit-ulit
patayan, nakawan
nahuli ang kabit
tinanggihan sa ER 
mahirap na maysakit
eleksyon na naman
batuhan na ng putik

damn it!
matatapos na ang beat
wala pa ring sense
aking nais ipabatid
mabuti pa siguro
wag na lang umimik
kumuha ng kutkutin
manood na lang ng Netflix

buhay migrante
minsan hindi kampante
nahohome sick
lalo na kapag Disyembre
kaya nga siguro
ako nagkakaganito
kulang na sa takbo
nasa Pinas pa ang isip ko

ngayon may sense na
kahit palipas oras lang
at least nailabas
ano nga ba ang kulang
sakto na sa siguro
pede nang huminto
nailabas na kasi
kinikimkim ng puso

naka 2 pages din
kahit hindi malalim
pede na sigurong
tumigil at kumain
pampalipas oras
mga tugma’y inilabas
sandaling pinalaya
diwang nag-aaklas

RMP
Revised 12/18/21
11/16/19
Winnipeg MB Canada

Saturday, November 2, 2019

RANDOM #121

“Life is a series of natural and spontaneous changes. Don't resist them; that only creates sorrow. Let reality be reality. Let things flow naturally forward in whatever way they like.”
― Lao Tzu

unreciprocated but the flow continues
inconvenience is nothing but a test
there are more important things to do
than to think if we really did our best
we can’t satiate a restless heart
there will always be an empty space
no matter how strong our faith is
someone will always fall from grace

depth is meaningless when frivolity kicks in
when norms are rejected to take a risky path
we remove our tracks to conceal our mistakes
and escape the pounding of a suppressed wrath
but life goes on even when we opted to ignore
the consequences of a deliberate attempt
to divert our minds away from certainty
and justify a situation full of contempt

RMP
11//1/19
Winnipeg MB Canada


Wednesday, October 30, 2019

RANDOM #120

“You are not required to set yourself on fire to keep other people warm.” Unknown

some situations are beyond our control
some matters are beyond our reach
there are things we cannot change
there are lessons we can’t teach
no matter how good our intentions are
we can only do so much
some will value what we’ve done
some are simply out of touch

some eyes are hooked on us
some are doomed to compare
they will always yearn for more
ignore what was already there
there is nothing we can do
if they look the other way
they will always find a reason
to be ungrateful every single day

RMP
10/30/19
Winnipeg MB Canada


Saturday, October 5, 2019

STYLE NYO BULOK!

Mangungumusta pero may hidden agenda
Medyo paligoy-ligoy muna bago siya tumirada
Kapag naka-tyempo eh maghanda-handa ka na
Kung kayang pagbigyan eh wala namang problema

Ang siste nga lang ay kung susunod sa ipapangako
Madalas kasi yan ang dahilan ng hindi pagkakasundo
Pinagbigyan mo na tapos parang bulang maglalaho
Sa bandang huli ay ikaw pa ang gustong sumuko

Style nyo bulok, lumang tugtugin na
Kailan babaguhin ugaling mapagsamantala
Style nyo bulok, lahat naman tayo nagigipit
Makipag-usap ng maayos kung di agad maibabalik

Dadaanin sa bulagas saka may astang gentleman
Pipitasin ang mga bituin at susungkitin ang buwan
Ang mga pananalita sa tamis ay nilalanggam
Ingat-ingat ka baka gusto ka lang tikman

Buti nga kung tikim lang eh baka lamunin ka ng buo
Baka nga pati perang inipon ay unti-unting maglaho
Forever ang pangako pero kapag nakuha na ang gusto
Kapag minalas malas pa ikaw pala yung nasa video

Style nyo bulok pero marami pa rin ang naloloko
Hanggang may paniwalain iikot ang mundo nyo
Style nyo bulok pero maghintay-hintay lang 
Ring in tandem baka kayo matiyempuhan

RMP
10/05/19
Winnipeg MB Canada

TAO NGA NAMAN

Maaalala ka lang kapag may hihinging pabor
Minsang di mapagbigyan kahol na nang kahol
Lahat kalilimutan pati magandang pinagsamahan
Sa huli ay ikaw pa ang lalabas na mayabang

Para bang wala ka nang iniisip na iba
Kung makapag-request parang sigurado na
Kung alam lang sana nila taglay na problema
Sa halip na makabawas ay dagdag pa nga sila

Tao nga naman, sarili lang ang iniisip
Pag di makuha ang gusto sa’yo pa magagalit
Tao nga naman, minsan di mo maintindihan
Ibigay mo man lahat lagi pa ring may kulang

Hindi makuntento lagi pa ring maghahanap
Namamahay sa isip araw-araw na pagpapanggap
Umiikot ang mundo sa mga bagong nakikita
Hindi pa mapakali kapag umaasenso ang iba

Hindi matahimik lagi na lang nagkukumpara
Dapat ganito, dapat ganyan, nasaan ang hustisya?
Araw-araw nagtatanong bakit ganito lang ang sa akin?
Maaawa sa sarili tapos ibang tao ang gustong sisihin

Tao nga naman, mamamatay sa inggit
Di pa nga kumukupas gusto na ng kapalit
Tao nga naman, minsan di mo maintindihan
May kinakain na may gusto pang ibang tikman

RMP
10/04/19
Winnipeg MB Canada

Saturday, September 21, 2019

RANDOM #119

“You dance inside my chest, where no one sees you,
but sometimes I do, and that sight becomes this art.” Rumi

not frequently done
but will never be forgotten
the urge to write more
reverberates again and again
all I need is a moment
to remember what it was like
how to mingle the right words
and bring a lyrical poem into life

you will always be there
when there’s pounding in my chest
I may have rested for a while
but you’re still my special guest
I won’t stop writing for you
and that’s how it’s going to be
not expecting anything in return
I’ve to set this feeling free

RMP
9/21/19
Winnipeg MB Canada




Thursday, September 12, 2019

RANDOM #118

"The truth is like poetry-- And most people _________ hate poetry," - The Big Short

It sets you free but you must endure the pain
Sometimes you have to solely take the blame
Unmet expectations will mess up your brain
Love it or hate it your life won’t be the same

It’s too late to realize but you have to admit
Consoling words won’t give you a sigh of relief
Intuition breaks you and weakens your spirit
You’re left with nothing but a shattered belief

RMP
9/11/19
Winnipeg MB Canada

Saturday, September 7, 2019

RANDOM #117

“Man is not what he thinks he is, he is what he hides.”― André Malraux

led by what we keep
we stumble along the way
thinking it’s a better choice
we just clutter what we say
the thought gives us comfort
but the act proves an unusual tale
it seems to be the right direction
yet we’re unfamiliar with the trail

the disguise is now a pattern
a label that we keep within
giving us a false security
for a battle we can’t win
with intentions unknown
to those we’re hiding from
the urge to seek this tempting path
is something we can’t overcome

RMP
9/6/2019
Winnipeg MB Canada


Tuesday, August 27, 2019

RANDOM #116

“The cure for pain is in the pain.” Rumi

like a storm that brews slowly
the pain poses a looming threat
a wrecking ball sets into motion
breaking a rational mindset
hairline cracks become visible
while the contradictions set in
more excuses distort the truth
deep secrets are kept within

the diversion is now a pattern
leading to a crooked road
something is forbidden
without the hidden code
there are subtle signs
but doubts obscure them all
the waiting game isn’t over yet
until fate makes the final call

RMP
8/26/19
Winnipeg MB Canada




Thursday, August 22, 2019

DRAW THE LINE

“Relations are beautiful as long as we know where to draw the line.” Rakhi Jayashankar

draw the line and see
what lies beyond a choice
is it better to keep silent
or let them hear your voice
the distance builds deep anxiety
not knowing what happens out there
you are filled with good intentions
but you can’t traverse a secret lair

caught in the midst of chaos
you struggle to stand your ground
believing that on the right time
what goes around must come around
that warning signs will converge
to a designated time and place
so you can finally draw the line
and get rid of unwanted space

RMP
8/22/19
Winnipeg MB Canada


Monday, May 27, 2019

HNP VS OTSO DIRETSO Post-Election Fliptop Battle (WASAKAN Edition Part 3)

Moderator..

Mga Ka FB Mag-ingay!!!
Heto na ang pinakahihintay
Campaign managers pinagsabay
Kanya-kanya na kayong sakay

Fight!

Round 1

Kiko

Lumabas na ang resulta panalo na kayo
Marami pa kasing mga tanga at bobo
Di bale kapag bayan ay nagka letse letse
Sa huli kayo rin ang tatawaging peste
Kahit natalo meron pa ring dignidad
Hindi tulad nyo nanaig dahil sa bayad
Sa simula palang halata na ang balak
Resulta ng surveys ay gamit pang hatak

Hugpong o ulupong? malalaman ng bayan
Ang mga kandidato nyo ay tuta lang naman
Sigaw na pagbabago ay di makatotohanan
Malamang sa senado ay sunud-sunuran
Sa credentials pa lang lamang na kami
Pero yung sa inyo wala namang sinabi
Dinaan nyo sa bulagas kaya may kumampi
Pero di bale nasa huli ang pagsisisi

Time!

PACMAN

Ah ganern! You’re absolutety wrong
Matapos ma knocked out kami na ang ulupong
Nasaktan ba ang pride kaya di maka move on
Simple lang ang sagot ko salamat sa panginoon
Hindi kita aawayin di ko ugali yan
Pero kung sa boxing ring di kita uurungan
Masyado nyo kasi kaming inunder estimate
Kaya ang naging resulta kayo ang na checkmate

Lagi na lang hamon ay debate! debate!
Sino ngayon ang talunan at na mate
Panay kasi kayo ngawa nang ngawa
Mga achievements nyo panay lang sa salita
Pa intelektwal ang dating may laude laude pa
Kala mo ang katalinuhan sa inyo lang talaga
Pero pag dating sa isyu ng Luisita at Yolanda
Kahit katiting hindi kayo makatira

Time!

Round 2

Kiko

Luisita, Yolanda wala na bang iba?
Kaya ayaw ng debate kasi walang ibubuga
Playsafe lagi ayaw mababanggit ang China
Laging bitbit ay death penalty at droga
Wala namang ebidensiya sa mga akusasyon
Yung amo nyo sobra kung makapaghamon
Nagdeklara ng gyera dahil lang sa basura
Pero ipinamimigay naman mga teritoryong isla

Dinadaan nyo lang kasi sa popularidad
Habang mabango sige panay ang banat
Panay personal mga biradang wagas
Hintayin nyo na lang panahon ng pag-aaklas
Basta kami tuloy lang ang laban
Patuloy namin kayong babantayan
Hindi man kami ang ihinalal ng sambayanan
Sabi nga ni erap weather weather lang yan.

Time!

PACMAN

Ah weather weather ba kamo?
Eh laki ng kinita nyo nung Leyte ay binagyo
Ilang weather na ba ang dinaanan nyo
Pero sinayang nyo lang ang tiwala ng tao
Mag-inang Presidente, naka-dalawa na kayo
Pero ano ang resulta ng mga ginawa nyo
Yung isyu ng China sa inyo pa yan
Yung reklamo sa UN panakip butas lang

Yung basura ng Canada sa time ninyo pa yan
Wala kayong ginawa pinagkibit balikat lang
Yung mga teritoryo na sabi nyo ay pinamimigay
Sino ba nagpunta sa China para tumanggap ng lagay?
Personal na tira daw eh ano ang tingin nyo kay Jim
Imoral daw si D30 pero sino ang may ka chat na lihim
Ewan ko nga lang kung makakabalik pa kayo
Eh yung otso diretso nyo diretso na sa inidoro

Time!

Round 3

Kiko

Noted lahat ng sinabi mo magre group lang kami
Mag loyalty check ng natitirang kakampi
Reresbak kami andyan pa na naman si Madam Leni
May hatak pa rin ang beauty nya kaya muling magpapadami
Wag masyadong magsasaya at baka maudlot
Panalo nyo ngayon dadaan sa mga pagsubok
Mga kaalyado sa senado di sa inyo matatakot
Sa Kongreso may suporta pa ring mahahakot

Nakakaawa ang bayan sa inyo ngayon aasa
Eh ang bansa naman binebenta na sa China
Walang ibang maipagmalaki kundi laban sa droga
Ang ekonomiya ng bansa ay talagang dapang-dapa
Mga kaalyado ay kurakot at magnanakaw
Pati edukasyon imbento at hilaw
Ang mga utak at katwiran ay kaylalabnaw
Ipapakain nyo sa bayan ay tutong at bahaw

Time!

PACMAN

Mr. Noted ka nga yan ang popular mong linya
Noong panahon na himod ka pa kay Gloria
Sige loyalty check pa more meron pa ngang natira
Pero sisiguruhin ko sa yo mababawasan pa sila
Natural na masaya kasi nanalo silang lahat
Napigilan namin ang lagim na inyong ikakalat
Inaamin namin na dadaan kami s pagsubok
Pero di kami takot sa senador nyong laging inaantok

Kung magsalita parang di nagdusa sa inyo ang bayan
Sa Yolanda funds pa lang sambot na kayo sa puhunan
Dagdag mo yung mga hindi pinagbayad ng buwis
Mga isyu sa Hacienda pilit nyong nililihis
Ayaw sa inyo ng mayorya yan ang totoo
Sila yung binansagan nyo na mga tanga at bobo
Malabnaw ba ang utak pero ikaw ay tinalo
Degree holder nilampaso ng isang boksingero

Time!

Itutuloy…pag may time…

RMP
5/26/19
Winnipeg MB Canada




Friday, May 17, 2019

WALL OF ARROGANCE

“An arrogant person considers himself perfect. This is the chief harm of arrogance. It interferes with a person’s main task in life – becoming a better person.” Leo Tolstoy

headlines started it all
and the mob went mad
a timeline is transformed
into a launching pad
lines are unfairly drawn
while on the safer side
facts are often twisted
alleged hostiles are reviled

harassment from left and right
prejudice trounces rationality
both sides of the spectrum
share the same liability
unrestrained conceit
in the guise of Democracy
on the wall of arrogance
freedom becomes an irony

RMP
5/16/2019
Winnipeg MB Canada

Monday, May 13, 2019

RANDOM #115

“Every man is guilty of all the good he did not do.” Voltaire

each post extends the guilt
many things are left undone
words aren’t simply enough
to fulfill them one by one
consequences are lining up
each has a story to tell
putting them all together
feels like a burning hell

a painful price to pay
for all those years of neglect
every moment’s a reminder
of emotions left unchecked
life seems to go on well
but the crack is kept inside
a desire may still be breathing
but the resistance is implied

remorse is a waste of time
if we missed out a lot
no matter how hard we try
we’ll never find the right spot
it’s a temporarily relief
so we can lessen the load
but there’s no moving on
when we hit the haunted road

RMP
5/12/19
Winnipeg MB Canada





RANDOM #114

unmet obligations
define your reality
everything that you do
becomes a liability
your pocket is doomed,
the charges run high
it’s just business as usual
until they bleed you dry

RMP
5/9/19
Winnipeg MB Canada


Monday, March 25, 2019

RANDOM #113

“When ego gets too bloated, something happens in life which makes you totally helpless.” Mohanji

armed with assumptions
we tried bullying our way
the obsession’s so strong
no such thing as a fair play
the urge is so instinctive
we could never go wrong
but just come to think of it
we’re also idiots all day long

engrossed in our arrogance
we discharge our tirades
non-believers are targets
of our ridiculous charades
the cruel insults are insane
there is no sign of remorse
what do we get from these
bloated egos of course…

RMP
3/24/19
Winnipeg MB Canada

Saturday, March 16, 2019

BRING IT ON!

“Ideas pull the trigger, but instinct loads the gun.” Don Marquis

there’s a threat somewhere
the scent of a war is appealing
a conspiracy is brewing up
built by those who are pretending
to be the voices of the people
the truth is they’re preparing for a sequel
of their reign of power to regain their control
their gracious faces hide the darkness of their souls

media taking side just like the old days
inflating a trivial issue in building its own case
their bias is relentless, stained reputation’s a disgrace
subservient to benefactors the stage becomes a launching base
the rules of engagement is now a one-way street
perpetrators are now the victims, guardians taking the heat
rabble-rousers are on the loose financed by the elite
ignorant supporters follow the drumbeat

bring it on, bring it on, let the fight begin
hardcore against hardcore let us see who will win
bring it on, bring it on let the fight begin
when you take a shot make sure you have your firing pin!

intellectual snobs pretending to be non-partisan
with their one-sided comments they reveal their game plan
converging in the present supporting a well-known clan
they forgot the bloodshed on a disputed land
raised fists up in the air, in solidarity shouting they care
never forget, never again but what color do they wear
exorcising the devil through their silly collective prayers
they forgot what regime brought the bloody massacres

demand justice but selective when they speak
disregarding the facts they believe an oligarchic clique
the church by their side it seems the cast is now complete
with rhetorical exaggerations the target’s the highest peak
unity built in hypocrisy the familiar chants reverberate
a vicious cycle of opportunists who are just lying in wait
shouting real change but loyalty’s based on party mates
in the pursuit of fairness they don’t carry much weight

bring it on, bring it on, let the fight begin
hardcore against hardcore let us see who will win
bring it on, bring it on let the fight begin
when you take a shot make sure you have your firing pin!

no complacency the signs are overwhelming
there’s a massive build up a plot is in the making
what’s happening around is like brain-conditioning
a trend is now projected so more will be complaining
issues are manipulated to sow anger and discontent
a monumental crisis will be a perfect moment
massive gatherings will no longer be a tiny dent
a vulture lies in wait a loyalty is just for rent

the debates are marred with their usual intentions
to create discontent while seeking more attentions
word wars initiated questions are mere deceptions
common sense is now replaced by their silly pretentions
the tale’s still the same, someone tries to fan the flames
blame game ensues to discredit an opponent’s name
public images are shown to project a perfect frame
while the country is pictured like a crying shame

bring it on, bring it on, let the fight begin
hardcore against hardcore let us see who will win
bring it on, bring it on let the fight begin
when you take a shot make sure you have your firing pin!

RMP
3/3/19
Winnipeg MB Canada



Monday, February 25, 2019

BUWANG (to the tune of Buwan)

Ako’y bano ikaw ay praning
Sabog ating paningin
Ako’y hindi nag-iisa
Sama ka’t babatak na

Sa ilalim ng puting ilaw
May isang buwang
Pipilitin tayong sumigaw
Bago tayo itimbuwang

Ayaw natin ng malungkot
Kaya tayo ay tumitira
Di na nga lang tayo tatanda
Pantay paa tayo’y hihiga

Saan kaya?

Sa ilalim ng puting ilaw
May isang buwang
Pipilitin tayong sumigaw
Bago tayo itimbuwang

Ang ating bantay
Umiikot sa daan
Ang putok ng punglo’y
Dinig kahit na saan
At bumabalik dito sa atin
Tayo ang hanap
Tayo lagi ang hahanapin

Paringgan ng putok at aamin
Aaminin kahit hindi sa atin

Sa ilalim ng puting ilaw
May isang buwang
Pipilitin tayong sumigaw
Bago tayo itimbuwang

RMP
2/18/19
Winnipeg MB Canada


Saturday, February 9, 2019

AANHIN PA ANG TONO

Maglalaro na lang ng mga salita
Wala na rin naman kasing magagawa
Hindi na maghihintay sa pagdating ng tono
Marami mga bagay ang hindi rin sigurado
Papaikutin na lang ang pag-iisip
Kahit bawat araw ay may tamang inip
Magtyatyaga na lang sa pinalayang kataga
Lumipas man ang oras may konting napapala

Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto

Matagal man ang pinagsamahan
Wala rin magiging katuturan
Kung ang laman ng pag-iisip
Ay panay mga panghihinayang
Aanhin pa ang mabubuong kanta
Kung my alinlangan sa bawat letra
Walang maayos na patutunguhan
Kung lagi na lang may mga pagtataka

Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto

Hindi sapat ang haba ng panahon
Upang maging makulay ang mga naipon
Bawat araw laging may taglay na hamon
Hirap ka na pero kailangan pang umahon
Urong, sulong dami nang mga nangyari
Marami nang nagawa marami nang nasabi
Hindi pa makuntento sa mga naitatabi
Ang mga tanong patuloy pa rin sa pagdami

Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto

RMP
2/6/2019
Winnipeg MB Canada

Sunday, January 20, 2019

MILES AND VERSES 2

EXTREME COLD WARNING: A prolonged period when wind chill values near minus 40 degrees Celsius are expected.

an extreme cold warning is up
the best option’s to stay inside
with no distance to conquer
I’ve to free what’s in my mind
relying now on stagnant words
I will set my emotions free
it’s still a perfect moment
to recognize a cyclic irony

a seasonal sanctuary
when it’s time to hibernate
though words are not enough
to ignore a gloomy state
but it’s better than nothing
while I rest my feet and knees
more miles are coming soon
after this dreadful wintry breeze

RMP
1/19/19
Winnipeg MB Canada