“Gaano ka man sa tingin mo kagaling, daig ka rin ng mga mumunting katangahan”. Nonoy Marcelo
Mahal ba talaga ang bayan o political ego lang?
Lahat kasi ng sinasabi tira lang sa mga kalaban
Walang mali ang kulay na laging sinusuportahan
Matalino pa nga yung iba pero one-sided naman
Objective daw eh biased naman ang analysis
Halatang halata kapag bumanat walang mintis
Ang mga komentaryo hindi talaga lumilihis
Pag may kumontra hindi maitago ang pagkainis
Headline pa lang ang nakita may conclusion na
Biglang naging speed reader, ambilis na magbasa
Sa social media maraming nagmumukhang tanga
Copy paste o share agad kahit fake ang ebidensiya
Kung concern talaga kahit sinuman ang nakaupo
Ibinoto man o hindi kapag mali pigilan ang niluluto
Timbangin ang tama at mali huwag maging uto-uto
Matutong umiling wag lang tango lang nang tango
Ika nga ni Nonoy Marcelo “gaano ka man kagaling
Sa munting katangahan pwede kang maging alipin”
Huwag gawing basehan kung saan ka man nanggaling
Ang ‘organic intellectual’ alam kung saan dapat pumaling
RMP
5/12/18
Winnipeg MB Canada
No comments:
Post a Comment