“There’s no such thing as paranoia. Your worst fears can come true at any moment.” Hunter S. Thompson
a hunch or overthinking
the mind’s caught in-between
is something really missing
or am I just painting a scene?
cognitive distortions
projected on the screen
labeling is now a habit
filtering turns into a routine
prejudice is in control
verdict is a one-way street
inner voices of suspicions
resonates like a drumbeat
obsession has taken over
pride’s on the driver’s seat
with emotions running high
it’s useless to be discrete
RMP
5/20/18
Winnipeg MB Canada
Sunday, May 20, 2018
Sunday, May 13, 2018
RANDOM #100
“Gaano ka man sa tingin mo kagaling, daig ka rin ng mga mumunting katangahan”. Nonoy Marcelo
Mahal ba talaga ang bayan o political ego lang?
Lahat kasi ng sinasabi tira lang sa mga kalaban
Walang mali ang kulay na laging sinusuportahan
Matalino pa nga yung iba pero one-sided naman
Objective daw eh biased naman ang analysis
Halatang halata kapag bumanat walang mintis
Ang mga komentaryo hindi talaga lumilihis
Pag may kumontra hindi maitago ang pagkainis
Headline pa lang ang nakita may conclusion na
Biglang naging speed reader, ambilis na magbasa
Sa social media maraming nagmumukhang tanga
Copy paste o share agad kahit fake ang ebidensiya
Kung concern talaga kahit sinuman ang nakaupo
Ibinoto man o hindi kapag mali pigilan ang niluluto
Timbangin ang tama at mali huwag maging uto-uto
Matutong umiling wag lang tango lang nang tango
Ika nga ni Nonoy Marcelo “gaano ka man kagaling
Sa munting katangahan pwede kang maging alipin”
Huwag gawing basehan kung saan ka man nanggaling
Ang ‘organic intellectual’ alam kung saan dapat pumaling
RMP
5/12/18

Friday, May 11, 2018
RANDOM #99
Inuna si Leila, kasunod ay si Sereno
Si Leni na nga kaya ang pumapangatlo
“Change is coming” mukha ngang totoo
Iniisa-isa na mga kalabang nasa puwesto
Isa, dalawa, tatlo numero ang labanan
Legal na basehan ang laging dahilan
Usual na taktika bagong precedent lang
Pulitika sa Pinas kundi karma’y gantihan lang
Kalaban o kakampi tuloy lang sa panonood
Yung puno na ang salop pwede nang sumugod
Ngunit mas marami na yata ang tahimik at pagod
Yung iba naman kasi matapang lang sa keyboard
Isa, dalawa, tatlo laging may aabangan
Depende na lang kung nasaang bakuran
Kontradiksiyon dagdagan pa nang dagdagan
Kaliwa, gitna, kanan maraming nag-aabang
RMP
5/11/18

Sunday, May 6, 2018
RANDOM #98
“Aanhin natin ang matibay na kapit kung ang ka KAPITAN natin ay marupok.” Nonoy Marcelo
Makabayan, makatao, maka-kalikasan,maka-Diyos
Sila ang tunay na pag-asa ng mga naghihikahos
Walang sawang pagtulong ang kanilang ibubuhos
Nganga naman ang botante pag eleksiyon ay natapos
Hindi naman nilalahat ngunit mukhang nakararami
Malinis sa labas pero ang kalooban ay marumi
Ang halalan ay prente lang kunwari ay tapat kami
Kapag mga nakaupo na buong term ay walang silbi
National, Local, o maging Barangay elections man
Maraming mapagkunwari ebidensiya ay slogan
Sa patamisan ng pangako ang tao’y di tatantanan
Nang manalo ay sabaw wala pala talagang laman
RMP
5/6/2018

Subscribe to:
Posts (Atom)