Thursday, March 22, 2018

MILES AND VERSES

“Distance not only gives nostalgia, but perspective, and maybe objectivity.” Robert Morgan

the distance is overwhelming
and thoughts tend to overflow
a yearning within is relentless
while the gap is now a status quo
each step taken is a confirmation
if it’s the right time to let it go
my poetic verses will reveal
if I’m a friend or a hidden foe

miles will accumulate
just the same with what I write
even if I shut down the ego
some things just won’t seem right
I’ve to find and run each course
even if it takes a solo flight
filling a void with words
I can still put up a fight

RMP
3/22/2018
Winnipeg MB Canada

Wednesday, March 14, 2018

MALAYA (ABSWELTO VERSION)

Pasensya na, kung naipakulong na muna
Di ka naman napagod sa kakahintay
Kaya sa natitirang oras na nakakulong ka
Maari bang magkunwari wala kang sala

Magpapanggap hanggang may pantakip
Magpapangap pa rin kahit nadakip

Baka sakaling dumiskarte kang muli
Tutulak sa araw, koleksyon sa gabi
Kung may iipunin ibigay mo na sa akin
Umasa kang may kapalit

Malaya ka na, Malaya

Sumuko na ang piskalya aatras na sa laban
Marahil naduduwag dahil nga sagot kita
Mahirap nang labanan mga sindikatong kalaban
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Magpapanggap hanggang may pantakip
Magpapanggap pa rin kahit madakip

Baka sakaling dumiskarte kang muli
Tutulak sa araw, koleksyon sa gabi
Kung may iipunin ibigay mo na sa akin
Umasa kang may kapalit

Malaya ka na, Malaya

RMP
3/13/18
Winnipeg MB Canada


Sunday, March 11, 2018

RANDOM #93

“The most dangerous untruths are truths slightly distorted.” Georg C. Lichtenberg

light-years away from perfection
a vision is distorted by deceit
the path to righteousness
is now a one-way street
it isn’t that easy to stand
and to get back on my feet
something from a distant past
resonates a life that’s incomplete

playing with logic most of the time
I merely did things on my own
ignoring the warning signs
I left the neutral zone
with the verses I write
at times I cast the first stone
disregarding the consequences
I see a landscape like a killer drone

RMP
3/10/18
Winnipeg MB Canada

Friday, March 9, 2018

ANG DAMI NA NILA

Ang dami na nila umaapaw na ang banga
Exponential ang bilis di ka na mamamangha
Kalat ang reinforcers sa broadcast media ay dagsa
Di na sila discriminated kahit pa sa ibang bansa

Dalaginding kumekendeng makikita kung saan-saan
Hindi lang sa mga parlor pati sa mga paaralan
Pati yung mga makikisig lagi na ring pinag-iisipan
Di man sila cross dressers mga paminta naman

Ang dami na nila, di ka na mamamangha
Umaapaw na ang laman ng banga

Mga Mr. o Sirs na malalantik ang mga kamay
Pag may gwapo sa klase mga mata ay pumupungay
Pagkatapos ng klase sa pinto ay nagbabantay
Kapag sila na lang pasimple nang dumadantay

Kung ikaw ay chaka ingat ka sa pagpaparlor
Mas matindi ang mga ito na facial discriminators
Sa mga sinehan nga kapag di sila makapagkontrol
Ang pinapanood mo ay biglang magiging horror

Ang dami na nila, di ka na mamamangha
Umaapaw na ang laman ng banga

Mahilig sa mga players na malalaki ang paa
Mga boys next door ang type na type nila
Hindi ko nilalahat pero marami sa kanila
Kapag nakakita ng mga papa ay natataranta

May mga conservative meron ding balasubas
May mga matitino may manananggal ng lakas
Tulad ng karaniwan may naliligaw din ng landas
Dahil sa “Comedy bar mentality”laging namimintas

Ang dami na nila, di ka na mamamangha
Umaapaw na ang laman ng banga

Sa executive, judiciary kahit sa legislative
Sa police at military marami na silang kaanib
Sa mga rebelde meron na ring hindi tuwid
Kahit taong simbahan humahada ng tahimik

Marami na sila ramdam na ang kanilang puwersa
Hindi na tulad ng dati panay pa ang tago nila
Ang agos ng panahon ngayon talagang ibang iba na
Kakaunti na nga ang tunay bumaliktad pa ang iba

Ang dami na nila, di ka na mamamangha
Umaapaw na ang laman ng banga

RMP
2/11/2018
Winnipeg MB Canada

WORDPLAY

“Without knowing the force of words, it is impossible to know more.”Confucius

pick the perfect words
match ‘em with what we feel
let us create an endless stream
to liberate what we cannot conceal
the preference is overwhelming
there is a never-ending space
all we need is the right mix
so we can build our case

we can write to heal
or simply fan the flames
look for ways to compromise
or just continue playing games
there are no rigid boundaries
if we want to build a wall
to play it soft or hard
it’s simply our call

RMP
3/08/18
Winnipeg MB Canada


Thursday, March 8, 2018

TUPADA

sa pula, sa puti
mananaya ay hati
simula na ng pustahan
kapag ikinabit na ang tari
sa meron, sa wala
may dehado at liyamado
kapag nagpukpukan na
mayroong isang mananalo

wag nang magpanggap
na kayo ay mga makabayan
para lang kayong sabungero
na ang buhay ay pustahan
may paboritong manok
dehado man o liyamado
mahal nga ba ang bayan
o nasaktan lang ang ego?

maraming pang sinasabi
halata naman ang pagtaya
walang mali ang kulay
dahil kakampi ang may gawa
sabong lang yan pare
huwag nang ibandila
kung olats ang manok
huwag sisihin ang tumaya

mananaya rin kayo
sa pagpili ay sumusugal
wag magalit sa bumoto
kung ayaw nyo sa nahalal
huwag silang husgahan
kung nag-aasta kayong banal
matalino man kayo
pwede ring maging hangal

kung hanggang taya taya
huwag nang magmatapang
baka hanggang timeline lang
ang limitadong kakayahan
kung gustong lumaban
ang sarili ay tarian
nang maranasan nyo
paano makipagkiskisan

RMP
3/08/18
Winnipeg MB Canada

MAN FROM MANILA (A tribute to Francis M)

Ginising ang aming diwa ng yong MGA KABABAYAN
Tumatak sa isip ang THREE STARS AND A SUN
Pinaindak ang marami sa BAHAY YUGYUGAN
KABATAAN PARA SA KINABUKASAN binigyan ng daan

MERON AKONG ANO! Ano nga bang meron ka?
Sa tagal sa industriya di ka NILAMON NG SISTEMA
Nagbigay buhay sa rap parang isang SOUL PLACENTA
Wagayway ang WATAWAT, you’re THE MAN FROM MANILA

I am the Man from Manila,
Kami ang tinig na kayumanggi
I am the man from Manila,
Buhayin natin ang himig ng lahi

Ginising ng ritmo pati ang mga PRANING
Hinamong magladlad mga BADING ANG DATING
Sigaw ng damdamin AYOKO SA DILIM
Bawat linyang likha makahulugan at may lalim

Totoo ang sinasabi hindi PURO IMBENTO
Sa mga maling patakaran pwedeng CONTRAPELO
Malinaw ang punto pag sinabing ITO ANG GUSTO KO
Kapit sa prinsipyo BALIKTAD MAN ANG MUNDO

I am the Man from Manila,
Kami ang tinig na kayumanggi
I am the man from Manila,
Buhayin natin ang himig ng lahi

Sa mga HALALAN ay mayroong pakialam
Nakikiisa sa mga BIKTIMA NG KARAHASAN
THE MOUTH combined with THE WAY OF THE TONGUE
Kapag tumirada matinding PEKTUS  ang laman

He’s a FREEMAN but LIVIN’ IN THE WILD
The KALEIDOSCOPE WORLD is a brilliant brainchild
GOTTA LET CHA KNOW  a lot has been compiled
His life’s a HAPPY BATTLE no thoughts has been misfiled

I am the Man from Manila,
Kami ang tinig na kayumanggi
I am the man from Manila,
Buhayin natin ang himig ng lahi

There’s a WAKE UP CALL from his PEN AND INK
Kung ikaw ay PIKON dapat kang mag-isip isip
JOLOG ang dating mo kung ikaw ay nagpipilit
Kung UBOS BIYAYA ka sino kaya ang magigipit

Punta naman tayo sa mga LAB SONG na malupit
Lyrics ng COLD SUMMER NIGHTS talagang kaylamig
DON’T MAKE ME OVER hiling sa isang iniibig
Sa GIRL BE MINE marami pa rin ang kinikilig

I am the Man from Manila,
Kami ang tinig na kayumanggi
I am the man from Manila,
Buhayin natin ang himig ng lahi

Malikot ang isip nilalaro lang ang mga letra
Kaya nalikha ang TINGGA SA WAN-KATA
Seryoso ito WAG KANG TUMAWA
BAW WAW WAW baka makagat ka pa

Mahirap gayahin nag-iisa ka Kiko
Sayang nga lang di tayo nagkatagpo
Ala-ala na lang nung minsang nagkapalitan
Ng mga tula at kathang pinaghirapan

I am the Man from Manila,
Kami ang tinig na kayumanggi
I am the man from Manila,
Buhayin natin ang himig ng lahi

RMP
3/06/18
Winnipeg MB Canada


Wednesday, March 7, 2018

DERAILED

“The ego is a fascinating monster.” Alanis Morissette

running off the track
an ego is about to explode
a popular sentiment
is on a destructive mode
a state is now bracing
for a power overload
the same devious forces
are meeting on a crossroad

a diversion is made
to camouflage a  plan
while lurking in the dark
is  a despotic clan
rivals are regrouping
to discredit a man
but the purges persist
and lives go down the pan

attempts will continue
to abbreviate the reign
a conspiracy is possible
to break the ruler’s chain
a treaty will be shattered
to secure a domain
in the guise of patriotism
deceit fuels a campaign

RMP
3/06/18
Winnipeg MB Canada