Sunday, December 31, 2017

RESOLUTION RAP

Ang pagbabago, wala yan sa numero. Kung may gusto kang gawing mabuti, simulan at tapusin mo. RMP

Bagong taon, may bagong tula
Bagong gawa sana wag puro ngawa
Pagbabago wag lang puro salita
Seryosohin wag lang puro pagtatangka
Diet ba kamo sa simula ng taon?
Eh bakit panay ang banat sa natirang lechon
Masama pa ang tingin sa salad at hamon
Wag nang magpanggap meron pang morcon
Di na raw mag-iinom, di na maglalasing
Eh Red Horse na agad kahit bagong gising
Jan 1 pa lang simula na ng mga happenings
Isang taong walang hulas kasama ang beer at gin

Laging may balak pero hindi masimulan
Reso sa New Year ay palaging wish na lang
Pagpapalit ng taon ay numero lang naman
Tunay na pagbabago pwedeng gawin kahit kailan

Lagi na raw sisimba uunahin ang pagsamba
Eh umaga pa lang mura na nang mura
May nakatitigan lang hanap ay away na
Kapapangako lang  bayad na ng pampiyansa
Iwas sa disgrasya, iwas daw sa aksidente
Nabawasan ng tatlo daliring dating bente
Hawakan ba naman super lolong matinde
Akala siguro may super powers siya kase
Iwas chismis, wala na daw intriga
Unang post pa lang meron nang puntirya
Group messages pawang nakahanda na
Yari na naman kung sinuman ang target niya

Laging may balak pero hindi masimulan
Reso sa New Year ay palaging wish na lang
Pagpapalit ng taon ay numero lang naman
Tunay na pagbabago pwedeng gawin kahit kailan

Gustong maging fit pero wish ko lang ang programa
May selfie nga sa gym pero gusto lang pumorma
After mag post ng mga pics sa popular na social media
Ang mga fitness routines pang show lang naman pala
Hindi na raw mang chichicks, good boy na raw from now on
Stick to one na lang at loyal hindi na lilingon-lingon
Wag lang sana mapapasabit sa dako pa roon
Di naman daw siya pumapatol basta hindi hinahamon
Hindi na mangungupit, hindi na mangongopya
Mag-aaral ng mabuti hindi na maglalamiyerda
Uuwi na sa tamang oras at babangon ng maaga
Balik naman sa dating gawi kapag nahila ng barkada

Laging may balak pero hindi masimulan
Reso sa New Year ay palaging wish na lang
Pagpapalit ng taon ay numero lang naman
Tunay na pagbabago pwedeng gawin kahit kailan

Kikilos nang matuwid maglilingkod sa sambayanan
Hindi raw pakikialaman ang mga kaban ng bayan
Ngunit dahil may kabit at may bisyo pang nalalaman
Ang pagnanakaw at kurapsiyon ay paulit-ulit lang
Di na ipagpapabukas ang magagawa ngayon
Ang mga deadlines hindi na maiipon
Management styles hindi na nakakahon
Pero kapag na bad trip limot agad sa maghapon
Maraming gustong gawin pero kulang ang oras
Gustong magbagong buhay pero hindi kayang umiwas
Madali nating sabihin ngunit mahirap umalpas
Kahit ako man may panahon ding umaatras

Laging may balak pero hindi masimulan
Reso sa New Year ay palaging wish na lang
Pagpapalit ng taon ay numero lang naman
Tunay na pagbabago pwedeng gawin kahit kailan

RMP
01/01/2018
Winnipeg MB Canada






ANOTHER YEAR, ANOTHER SONG

“The future is as bright as your faith”. Thomas S. Monson

looking on the bright side
nothing can stop us now
a struggle goes on
but might be different somehow
distance won’t matter
gaps will always be there
another year in the making
more time for us to share

another year, another song
what has gone right, what has gone wrong?
are we now in for a reason
or we simply want to play along?

more questions, few answers
longer moments to compare
the signs are still hidden
there’s no more time to spare
some reasons aren’t enough
but there’s a quest that can’t wait
if we have to move faster
we have to lose some weight

another year, another song
what has gone right, what has gone wrong?
are we now in for a reason
or we simply want to play along?

a story line is made
and played on our screen
we can’t just recreate
a finished and unwanted scene
but we can rewrite the words
fine tune the instrument a bit
another song comes to life
if we persist and just don't quit

another year, another song
what has gone right, what has gone wrong?
are we now in for a reason
or we simply want to play along?

another year, another song
what has gone right, what has gone wrong?
a better song while we’re moving on
a stronger faith leading to a brighter dawn

RMP
12/31/17
Winnipeg MB Canada

PUREFOODS HOTDOGS

Di kumpleto ang New Year kapag wala ka
May bun man o sa stick lang tiyak katalo na
Tender, juicy and tasty na mamula mula
Purefoods hotdogs miss na miss na kita

Marami naman dito na matataba at malalake
Locally made at imported iba’t iba ang klase
Pero pag ikaw ang natikman ang saya ay grabe
Tiyak hahanapin araw-araw o gabe gabe

Cocktail man o regular, jumbo o super jumbo
Hindi mo titigilan hanggang tiyan ay lumobo
Lalaki, babae, bata, matanda, lola man o lolo
Kahit pa mga bakla lalong gustong gusto ito

RMP
12/30/2017
Winnipeg MB Canada

Saturday, December 30, 2017

KUMUSTA MGA KAIBIGAN (New Year 2018)

This revised Version of Maria Cafra’s song is my personalized greetings for New Year 2018...

Kumusta mga kaibigan
Ngayon ay New Year na naman
Hindi man malaki ang kita
Ang mahalaga ay masaya
Ang sarap ng pagsasama
Ng kaibigan at pamilya
Negative kalimutan na
Dasal sa Diyos lagi sana

Chorus

Kaya tayo narito
Sa mundong to
Sulong kahit may problema
Laban tayo
Kaya nating maghabol
Lakad man o takbo
Maghawak-hawak ng kamay
At uunlad tayo

Kumusta mga kaibigan
Ngayon ay New Year na naman
Puso nami’y maligaya
Pagka kayo ay masaya

Kumusta mga kaibigan
Ngayon ay New Year na naman
Kumusta mga kaibigan
Happy New Year sa inyo dyan!

RMP
12/30/17
Winnipeg MB Canada



Wednesday, December 27, 2017

SANA (FB Version)

Sana ang FB
Ay walang gulo at tsismisan
Sana’y wala nang
Post na astang mayayaman
Sana’y wala nang bangkay
At selfie sa patay

Sana ay GV na lang
Ang ipost natin
Wag ang naghihingalo
Sana ay GV na lang
Ang ipost natin
At magpakatotoo

Sana’y walang bastusan
Sana’y walang inggitan

Sana ang timeline
Ay talagang nakakapukaw
Sana'y wala nang
Mga posts na bahaw
Sana’y walang feeling sick
Kahit wala nang sakit

Sana ay GV na lang
Ang ipost natin
Wag ang naghihingalo
Sana ay GV na lang
Ang ipost natin
At magpakatotoo

Sana’y walang pikunan
Kung hindi man napusuan

Sana ay GV na lang
Ang ipost natin
Wag ang naghihingalo
Sana ay GV na lang
Ang ipost natin
At magpakatotoo

Sana’y wag namang magalit
Kung mabasag ang trip..

HAPPY NEW YEAR!

RMP
12/27/17
Winnipeg MB Canada

Monday, December 25, 2017

I WON'T BE HOME FOR CHRISTMAS

I won’t be home for Christmas
Don’t you plan on me
You won’t know where I will go
I’ll send you back the key

Another Eve will find me
Where the strobe light gleams
I won’t be home for Christmas
Just find me in your dreams

I won’t be home for Christmas
Don’t you check on me
I will go with another Joe
To the forbidden tree

Another Eve has found me
Where the love juice streams
I won’t be home for Christmas
You can have my facial creams

RMP
12/24/17
Winnipeg MB Canada

Sunday, December 24, 2017

NOCHE BUENA (Utang Version)

Kasya na ang sabi
Gastos ay kayang kaya
Nakuha ni ate ang 13th month pay niya

Sabay pa si kuya
May natanggap na bonus pa
Ang aming tahanan may handang iba’t iba

Tayo na giliw mag shopping na tayo
Kung kulang ang pera may credit card dito
Di ba tagal nating pinag-ipunan to
Kailangang magpasikat sa pasko

Tayo na giliw mangutang pa tayo
5/6 kay Bumbay ATM ay sangla mo
Di ba dapat ay maraming regalo
Bahala na pagkatapos ng pasko

Di ba dapat ay engrande ang pasko
Sa New Year ngumanga na lang tayo

RMP
12/24/17
Winnipeg MB Canada

Saturday, December 23, 2017

JINGLE BELLS (Winter Running Version)

“Sometimes your favorite runs happen on days you don’t feel like running”. Running Room

Running through the snow
On a cold and wintry day
Everywhere I go
It’s snowing all the way
With my GPS in synced
I know what route is right
What fun it is to stride and hit
A 10K run tonight

Hey!
Winter spell, fuel gel
Bundle up and pray
Oh what fun it is to run
Though it’s freezing cold today
Hey!
Winter spell, fuel gel
Bundle up and pray
Oh what fun it is to run
Though it’s freezing cold today

RMP
12/22/17
Winnipeg MB Canada




A BLACK CHRISTMAS

“It is the job of thinking people not to be on the side of the executioners.”
― Albert Camus, Neither Victims Nor Executioners

Living in the hood an asset of a misfit
A man with a gun is talking trash and shit
The clock is ticking someone’s gonna take a hit
Bang! Bang! Bang! and the job is complete
Firing more shots the crowd is horrifed
The shooter’s scrambling to get away and hide
The cops are coming there will be a gunfight
Bang! Bang! Bang! he went down by the roadside

Silver bells, silver bells
Its’ Christmas time in the city
Ring-a -ling, hear them ring
Soon it will be Christmas day

Auto and semi pumping bullets here and there
Holiday gunshots violently fill the air
Christmas carols turning into long cries of despair
The deaths around the hood is something beyond repair
Drugs, petty crimes, murder, armed robbery
Multiple fatalities from an unlawful entry
Suspects, enemies, a mistaken identity
A coffin in the house instead of a Christmas tree

Silver bells, silver bells
Its’ Christmas time in the city
Ring-a -ling, hear them ring
Soon it will be Christmas day

Burning houses, refugees on the run
Lives are surrounded by bombs, mines and guns
There’s an exodus while nothing is being done
Dying in hunger or annihilated one by one
No other wishes but to simply live each day
But the bursts of gunfire slay their reason to stay
When ashes and smoke turned the sky into gray
With fewer options the only way out is to pray

Silver bells, silver bells
Its’ Christmas time in the city
Ring-a -ling, hear them ring
Soon it will be Christmas day

No stockings to hang, Santa isn’t in town
No bells are ringing a city just burned down
A victory is declared by a fascist clown
The rule is extended more enemies are going down
Tracer rounds everywhere are lighting up the sky
More targets on the ground are about to bleed and die
More wishes will come true if you are an ally
Execution is your fate if you ask them how and why

Silver bells, silver bells
Its’ Christmas time in the city
Ring-a -ling, hear them ring
Soon it will be Christmas day

RMP
12/21/2017
Winnipeg MB Canada

Sunday, December 17, 2017

OUR JOURNEY GOES ON

“Every day is a journey, and the journey itself is home.” Matsuo Basho

we’ve been through a lot of summers
we’ve come across severe storms
but this time it will be different
we’re so far away from home
a new way of life will dare
our judgment and our norms
a landscape may be appealing
but it is not our comfort zone

no matter where we are 
our journey goes on
seasons will change 
but our love will keep us strong

our journey took a sudden turn
it seemed we have to start again
adding new seasons to our lives
we’ll adjust every now and then
the clouds of doubts will appear
as we explore this foreign land
if this is to be our second home
we must go together hand in hand

no matter where we are 
our journey goes on
seasons will change 
but our love will keep us strong

first autumn together
first winter and then spring
we can’t help but wonder
what this new voyage has to bring
but our journey goes on
we’ll find more songs to sing
it may still be unclear for now
but there’s a reason for everything

no matter where we are 
our journey goes on
seasons will change 
but our love will keep us strong

no matter where we are 
our journey goes on
each step we take 
will make us feel at home

RMP
12/17/17
Winnipeg MB Canada



Thursday, December 14, 2017

A WINTER PERSPECTIVE (of an aging runner and a struggling writer)

“To appreciate the beauty of a snowflake it is necessary to stand out in the cold.” Aristotle

Watching it up close time seems to stand still
A nostalgic sight unfolds despite of the wintry chill
When snowflakes fill the ground there’s that magic thrill
A transforming landscape echoes a different kind of drill

An enchanting scene while the land is turning white
When darkness sets in it will be a long and frosty night
Though loneliness creeps in with the absence of the light
I’ve more reflective moments urging me to think and write

Business as usual it may not be an ideal day
The snowfall may cause such an unavoidable delay
When the windchill takes over and the sky turned gray
I’ll miss the scent of home but life has to go on anyway

A good run is possible even if it’s freezing outside
A perfect time to do something I haven’t tried
With mobility at stake I will go out with all my pride
It’s a struggle at the start but later I’ll get into my stride

RMP
12/12/17
Winnipeg MB Canada

REDEMPTION

“In the end, it is our defiance that redeems us.” Mark Rowlands

Pretending to be sacred it’s a deception by design
Collusion makes it harder to choose and draw the line
Costly spectacles surround an enormous shrine
This sense of peculiarity sends shiver down my spine

Edifices are nothing they will later turn to ash
Emblems of sectarian power will vanish in a flash
Our borrowed beliefs will stumble and crash
The proof that we possess is just a worthless trash

The freedom we feel is nothing but an infernal jail
Our times are often wasted searching for a holy grail
The blood of the unborn, the worldly pride we unveil
Will bring our corrupted feet towards the hellish trail

Innocents are dying more people are left for dead
While the mouths of scoundrels are always well fed
Deafening in discourses but soundless in bloodshed
Our salvation is compromised listening to a figurehead

Redemption shall come in a time of chaos
Something mightier will rise even after a loss
Vengeance shall appear as an inverted cross
Perpetrators will suffer from an endless remorse

RMP
12/08/17
Winnipeg MB Canada

Tuesday, December 12, 2017

DENGVAXIA

Madilim ang intensiyon
Nagkaisa ang mga kampon
Mukhang marami ang naipon
Inumpisahan ang iniksiyon

Minadali ang proseso
Maganda kasi ang presyo
Naging resulta nito
Marami ang naperhuwisyo

Dapat isinama sa turok
Ang mga dating nakaluklok
Kasi kung makapanusok
Mas masahol pa sa lamok

May Mamasano at Yolanda
Pabahay na maanomalya
Dengvaxia na bakuna
Pareho din ba ang nagpasiya?

RMP
12/12/17
Winnipeg MB Canada

Saturday, December 9, 2017

I SAW YAYA KISSING SANTA CLAUS

I saw yaya kissing Santa Claus
Sa likod ng house namin last night
They didn’t see me creep
Busy sila sa paghalik
Akala nila siguro
Ay walang naninilip

Then I saw yaya tickle Santa Claus
Underneath her briefs na kulay white
Di ko na naalis ang aking tingin
Si Daddy talaga ay pabling
Pati si yaya pinatos niya last night

Di ko na naalis ang aking tingin
Si Daddy talaga ay pabling
Pati si yaya pinatos niya last night

RMP
12/9/17
Winnipeg MB Canada

HIMIG NG PASKO (OFW/MIGRANT Version)

Sobrang lamig ang simoy ng hangin
Mas maikli ang liwanag sa dilim
Patung-patong man ang pananamit
Tumatagos pa rin ang lamig

Tagpong ganito’y laganap
Marami ay Pinas ang hanap
Kimkim ang kalungkutan
Mabigat ang nararamdaman

Dinadaan na lang sa dasal
Malayo man sa aming Inang Bayan
Hindi man kayo kapiling
Laman kayo ng aming damdamin

Tagpong ganito’y laganap
Hanap lagi ang inyong yakap
Bakas man ang kalungkutan
Tuloy lang ang aming laban

RMP
12/9/17
Winnipeg MB Canada

Friday, December 8, 2017

ANG PASKO AY SUMAPIT (Sabit Version)

Ang Pasko ay sumapit
Dating gobyerno’y may sabit
Panay ang pananahimik
Ngayo’y bistado na ang gimik
Nang mga project ay isilang
May mga hari na nagnakaw
At ang bawat isa ay sobrang lugod
Sa bawat pabahay

Bagong taon ay may bagong lagay
Pano liligaya ang ating bayan
Tayo ang nagsisikap iba naman ang nakikinabang

Tao ay nagagalit
Dengue vaccine ay may sabit
Milyong pera ang nakupit
Di naman pala safe ang gamit
Pinoy ang pinaggamitan
Mukhang di pa tapos ang pag-aaral
At hanggang ngayon
Di pa tapos ang mga bigayan

Bagong taon ay may bagong lagay
Pano liligaya ang ating bayan
Tayo ang nagsisikap iba naman ang nakikinabang

RMP
12/8/2017
Winnipeg MB Canada

Thursday, December 7, 2017

TAGO NA SINTA KO (EJK Version)

Tago na sinta ko hanap-hanap ka na
Di magtatampo kahit lisanin ako
Kung mawawala ka tagal-tagalan mo na
Kasi kung sandali baka ma TOKHANG ka

Sayang sinta ang ‘yong pinirmahan
At ang pagbabago mong tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang mga itinumba sa lusak

Kung mawawala ka ng pansamantala
Okay lang ito para ito sa yo

Sayang sinta ang ‘yong pinirmahan
At ang pagbabago mong tunay
Nais mo ba na ika’y mahanap
Ng riding in tandem dyan sa tapat

Kung mawawala ka ng pansamantala
Okay lang ito kaysa sa bangkay mo

RMP
12/07/17
Winnipeg MB Canada

Wednesday, December 6, 2017

PASKO NA NAMAN (Losartan Version)

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Pasko na naman
Tiyak may handaan

Ngayon ay pasko
Ingat lang sa kainan
Ngayon ay pasko
Magdala ng Losartan

Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli
May hamon, salad at lechong kawali
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli
Altapresyon ay maghahari!

RMP
12/06/17
Winnipeg MB Canada

Friday, December 1, 2017

DISTURBING MY PEACE

“Thinking is a sign of disturbance. When your bladder doesn't hurt you don't think about it.”
― Marty Rubin

driven by emotions
you let me occupy your space
when a drama unfolds
your timeline is my face
there’s so much for me to see
from real to cut and paste
joining the bandwagon
more time has gone to waste

scrolling down to choose
what to read and what to like
from a birthday post
to EJK and transport strike
you disturb my peace
when I visit your site
but the disruption ends
when it’s time for me to write

RMP
12/01/17
Winnipeg MB Canada