Paulit-ulit lang hindi malilimutan
Kapag laging naiisip at nararamdaman
Hindi mapapatid balisa lagi ang dibdib
Pabalik-balik lang ang gumuguhit na sakit
Hindi umayon sa hanap na pagkakataon
Mga pagkakamali dahan-dahang naiipon
Mga inaakala hindi na mangyayari pa
Ibabalik ng paglisan mga hinulmang alaala
Paalam, ikaw ay hahayaan
Katahimikan mo ay aking kalayaan
Payapa na ang dagat maari nang maglayag
Wala nang babagabag sa maghapo’t magdamag
Kapatawaran sa mga pagkakamali
Hindi naman sinasadya ang pagbabakasakali
Hindi na masasagot bakit hindi na nag-abot
Ang agwat sa pagitan lumikha ng mga takot
Magkabilang panig, magka-iba na ang daigdig
Iba na ang makikita, iba na ang maririnig
May lumisan, may naiwan dahil sa pising napatid
May mga pahina ng buhay na kailangan nang ipinid
Paalam, ikaw ay hahayaan
Katahimikan mo ay aking kalayaan
Payapa na ang dagat maari nang maglayag
Wala nang babagabag sa maghapo’t magdamag
RMP
2/26/2017
Winnipeg MB Canada
Monday, February 27, 2017
Friday, February 24, 2017
KULUNGAN
Pana-panahon ang pagkakataon
Nagbabalik na ang kahapon
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalwa ay unang magkita
Panahon pa ng halalan
Sa piling ng mga preso sa piitan
Doon daw tayo nagsimula
Mangulekta at tumiba
Natatandaan mo pa ba
Inipong pera sa mga maleta
At ang inalay ng mga brigada
Nasa ating kamay ang paghahatian
Pandagdag sa ating mga naipon
Ang saya ng ating kahapon
Umiikot ang panahon
Bumabalik ang mga gunita
Nagpakulong sa mga kalaban
Ngayon may sariling kulungan
Pana-panahon ang pagkakataon
Nagbabalik na ang kahapon
Ngayon may ibang pumalit
Nararamdaman ko ang pananabik
Na makita niya ako sa kulungan
Unang araw pa lang kanya nang pangarap
Ngayon ay nangyari na
Hustisya’y hahanapin pa
Umiikot ang panahon
Bumabalik ang mga gunita
Nagpakulong sa mga kalaban
Ngayon may sariling kulungan
Pana-panahon ang pagkakataon
Nagbabalik na ang kahapon
RMP
2/24/2017
Winnipeg MB Canada
Nagbabalik na ang kahapon
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalwa ay unang magkita
Panahon pa ng halalan
Sa piling ng mga preso sa piitan
Doon daw tayo nagsimula
Mangulekta at tumiba
Natatandaan mo pa ba
Inipong pera sa mga maleta
At ang inalay ng mga brigada
Nasa ating kamay ang paghahatian
Pandagdag sa ating mga naipon
Ang saya ng ating kahapon
Umiikot ang panahon
Bumabalik ang mga gunita
Nagpakulong sa mga kalaban
Ngayon may sariling kulungan
Pana-panahon ang pagkakataon
Nagbabalik na ang kahapon
Ngayon may ibang pumalit
Nararamdaman ko ang pananabik
Na makita niya ako sa kulungan
Unang araw pa lang kanya nang pangarap
Ngayon ay nangyari na
Hustisya’y hahanapin pa
Umiikot ang panahon
Bumabalik ang mga gunita
Nagpakulong sa mga kalaban
Ngayon may sariling kulungan
Pana-panahon ang pagkakataon
Nagbabalik na ang kahapon
RMP
2/24/2017
Winnipeg MB Canada
Sunday, February 19, 2017
RANDOM #77
“A guilty conscience needs to confess. A work of art is a confession.” Albert Camus
there’s always something missing
no matter how appealing a place can be
there’s no such thing as an escape route
if the past still holds the key
every moment wasted becomes a burden
when the real meaning comes up close
more unheard voices reverberates
and distance just makes it worse
the definitions are different
assumptions are meaningless
the light at the end of the tunnel
lies on what we are about to confess
we spend most of our time
creating a fantasy collage
while concealing the secret tales
behind that misleading facade
the images we show the world
the songs that we listen to
the kind of words we use
when expressing our points of view
may bring us for a moment
to a tranquil state
but when time mingles with truth
maybe it was too little, too late
RMP
2/19/17
Winnipeg MB Canada
there’s always something missing
no matter how appealing a place can be
there’s no such thing as an escape route
if the past still holds the key
every moment wasted becomes a burden
when the real meaning comes up close
more unheard voices reverberates
and distance just makes it worse
the definitions are different
assumptions are meaningless
the light at the end of the tunnel
lies on what we are about to confess
we spend most of our time
creating a fantasy collage
while concealing the secret tales
behind that misleading facade
the images we show the world
the songs that we listen to
the kind of words we use
when expressing our points of view
may bring us for a moment
to a tranquil state
but when time mingles with truth
maybe it was too little, too late
RMP
2/19/17
Winnipeg MB Canada
Subscribe to:
Posts (Atom)