Di tayo aatras gaano man
kahirap
Ang anumang laban na
kinakaharap
Wala sa laki lalong wala
din sa lakas
Ang ating panlaban ay ang tindi
ng GILAS
Kahit saan pa mang bahagi
ng mundo
Hindi umaatras ang lahing Pilipino
Kahit anong pagsubok ang
sa ati’y ibato
Hindi patitinag ang dugong
Pilipino
PUSONG PINOY
Ang nagbibigay lakas
PUSONG PINOY
Nagpapatindi sa GILAS
Puso nating mga Pinoy
Na bigkis ng pagkakaisa
Ang susi sa tagumpay
Basta’t sama sama
Kaya magtipun-tipon
Atin nang pagsama-samahin
Ang nagkakaisang sigaw
Ng mga puso natin
Sa napipintong pakikihamok
At sa mga darating pang
pagsubok
Iparamdam natin sa mundo
Kung paano tayo makilahok
Manalo o matalo man
Kailangang masaksihan
Kung paano tayo
Lumaro o lumaban
Gaano man kalaki
O kalakas ang kalaban
GILAS ng PUSONG PINOY
Ay makikipagsabayan!
MABUHAY ANG PUSONG PINOY!
RMP
8/11/2013
No comments:
Post a Comment