Saturday, August 31, 2013

RECIPROCITY

our
prejudice
limits
our
generosity

we alienate
we discriminate

only to
find out
that we
ourselves
are victims
of the same
prejudice

alienated
and
discriminated

we
realize
the cost
of isolation

we
learn
the value
of tolerance

we
recognize
the virtue
of giving back

RMP
8/31/2013
Revised 3/21/2017
Winnipeg MB Canada



LAY IT ON THE LINE

Life is uncertain people come and go
We are here today maybe gone tomorrow
We’re indeed very lucky if we’re given a chance
To say our parting words and ask for one more glance

But life is strange we can’t simply explain
We’re doing great today next day we’ll be in pain
We smile and laugh, do a lot of crazy things
But with a twist of fate we may have to cut the strings

While there’s still time, let’s lay it on the line
While there’s still time, let’s lay it on the line

I know it won’t be easy to accept the hands of fate
Because most of the time we simply just can’t wait
We choose to deny what we really feel inside
But there are certainties that we can’t simply hide

Acceptance is the key if we want to move on
We’ve our own shares of pain, we are not alone
Illness can reduce our physiques to a wraith
The best that we can do is to hold on to our faith

While there’s still time, let’s lay it on the line
While there’s still time, let’s lay it on the line

RMP
7/14/2013
Revised 1/31/2017
Winnipeg MB Canada



Thursday, August 29, 2013

MIGRAINE

“Surviving a day with a migraine is actually a serious accomplishment.” unknown


a flickering aura
signals the intrusion

slowly
the episodes of pain
start to linger in your head

throbbing
piercing
paralyzing

rendering you helpless
sometimes clueless

until
darkness
and silence
surrounded you

long enough
to make you feel
a bit better

struggling
all alone

RMP
8/29/2013
Revised 4/11/2017




DI AKO MATUTULOG

nasimulan ko na kailangang tapusin
kahit ano ang tema dapat may marating
abutin man ng umaga hindi ako hihinto
ang mahalaga mayroong mabuo

kaya tuloy ang sulat tuloy ang likha
kahit na puyat basta may magawa
di maaaring lumipas ang araw na ito
na walang nabuo malikot na isip ko

di ako matutulogdi padadaig sa antok
kailangang maglabas ng mga inimpok

laglag na ang mata pero sige pa rin
tulog na mga kasama ang diwa ay gising
kompyuter ang saksi sa aking pagpupuyat
sandali na lamang tapos na ang sinusulat

konting titig pa sa computer monitor
ang mga kataga ay kusang sisibol
konting tipa pa sa gamit na keyboard
maya maya lang meron ng pang upload

hay salamat may matatapos na naman
ilang linya na lang tapos na ang laban
pwede nang matulog at isip ay ipahinga
ang isinusulat ko ay ang huling linya na

RMP
8/28/2013



Tuesday, August 27, 2013

PANDORA'S BOX

inilantad ang sisidlan
takip ay binubuksan
itinagong mga laman
ngayon ay tinitingnan

laman ng sisidlan
sandamukal na yaman
na pinaghahatian
ng mga kawatan

maiitim na lihim
na itinago sa dilim
yan ang iniingatan
ng mga salarin

di sila papayag
na basta mawala
laman ng sisidlan
na pampataba

kaya humanda
sa pakikihamok
mga diablo’y
magbabantay
sa kanilang
inimpok

pakasigurado
sa mga balak na gawin
pag mga diablo'y nagsamasama
baka di na sila kayang puksain

RMP
08/27/2013
edited 12/01/2014

Monday, August 26, 2013

KARAYOM AT SINULID

unti-unting dinidilaan hanggang sa tumigas
kailangang basain bago ipasok sa butas
sa mga daliri dapat paikutin
kaya ang pagpasok di dapat madaliin

dapat na sipatin dapat itutok
nang di pasala-sala tangkang pagpasok
lalo na’t matanda ang siyang gagamit
pag di napatuwid tiyak na magagalit

pag naipasok na ang laking ginhawa
mga gagawin mas mapapadali na
ngunit ang ipinasok ay iikli rin
pag di na aabot kailangang hugutin

RMP
8/26/2013

Saturday, August 24, 2013

ADIK

di mapigilan laging hinahanap
pag di maramdaman araw ay di sapat
laging hinihintay kailan darating
sandaling mawaglit isipa’y napapraning

high na high pag ikaw ay nandiyan
lahat magagawa ng walang atrasan
walang antok diwa ay gising
bawat isipin mabilis ang pagdating

di alintana panahon at oras
gutom man kayang magpalipas
di kayang pigilin pag ika’y kumatok
dapat tipunin mga pumapasok

isip ay babatak puso ang tutulak
kamay ang titira kaw ang sangkap
pag umepekto buhay ang huwisyo
tuloy ang gawa habang kargado

walang hinto walang malabo
mga naiisip mabilis lumago
mga trip na gawin di na maitago
sa mga isusulat damdami’y nalalango


RMP
08/24/2013



Tuesday, August 20, 2013

BAHA

nilamon
ng mga ganid
ang biyayang
para sa bayan

kinupit
isinilid
inimpok

pinaghati-hatian
kani-kanyang tuusan
kani-kanyang lamangan

pinagkakakitaan

tulay
palaruan
paaralan
lansangan
lugar hintayan
huwad na samahan

kaya
pagdating
ng ulan
na dala
ng unos
at ng habagat

proyekto
ng mga ganid
lalamunin
ng tubig

kababayang
umaasa
kawawang
biktima

RMP
8/20/2013



Sunday, August 11, 2013

KUNG PARA SA BAYAN

magkatunggali matindi ang gitgitan
hangad ay panalo para sa kanilang koponan
di padadaig kahit na masaktan
dibdib sa dibdib banggaan kung banggaan

ang bumangga giba kapwa di patitinag
magkapalit man ng mukha magkakasubukan ng tatag
muscle sa muscle tibay sa tibay
hanggang sa huling Segundo walang bumibigay

ganyan sila noon pero iba sila ngayon
nang dahil sa bayan parehong sumasang-ayon
magkalaban man noon magkaibigan naman ngayon
kung para sa bayan sabay sila sa pag-ahon

kapwa pusong pinoy pinag-isa ng layunin
maipanalo ang laban pinag-isang hangarin
pinagsamang mga puso pinagsama-samang lakas
sa bawat pakikihamok ito ang bitbit nilang armas

ngayon ay magkasama sa hirap at ginhawa
sa agos ng pagsubok ay hindi padadala
matitibay na dibdib ngayo’y magkakapit-bisig
nagkakaisa sa laban ng bayang iniibig

GO GILAS! LABAN PILIPINAS!

RMP
8/11/2013


PUSONG PINOY

Di tayo aatras gaano man kahirap
Ang anumang laban na kinakaharap
Wala sa laki lalong wala din sa lakas
Ang ating panlaban ay ang tindi ng GILAS

Kahit saan pa mang bahagi ng mundo
Hindi  umaatras ang lahing Pilipino
Kahit anong pagsubok ang sa ati’y ibato
Hindi patitinag ang dugong Pilipino

PUSONG PINOY
Ang nagbibigay lakas
PUSONG PINOY
Nagpapatindi sa GILAS
Puso nating mga Pinoy
Na bigkis ng pagkakaisa
Ang susi sa tagumpay
Basta’t sama sama

Kaya magtipun-tipon
Atin nang pagsama-samahin
Ang nagkakaisang sigaw
Ng mga puso natin
Sa napipintong pakikihamok
At sa mga darating pang pagsubok
Iparamdam natin sa mundo
Kung paano tayo makilahok

Manalo o matalo man
Kailangang masaksihan
Kung paano tayo
Lumaro o lumaban
Gaano man kalaki
O kalakas ang kalaban
GILAS ng PUSONG PINOY
Ay makikipagsabayan!

MABUHAY ANG PUSONG PINOY!

RMP

8/11/2013

DISEQUILIBRIUM

testing the waters
i eluded the truth

looking
for answers
i ended up
with nothing
but assumptions

started
with something
ended up
with nothing

but
i have
to continue

dreaming
learning
wanting
seeking
hoping

that someday
my words
will finally
find their way
back home


RMP
8-10-2013

Saturday, August 10, 2013

NO MATTER WHAT YOU DO

you walk across the town not knowing where to go
still trying to find what can break the status quo
rewriting a story you’re trying to win her back
the one that shattered your fragile world apart

something’s not right but you still persist
hoping you can change what’s in her bucket list
you'll do everything do whatever it takes
to win back her heart and rectify a mistake

no matter what you do
you can’t bring back the time
when she’s right there with you
showing you each missing rhyme

no matter what you do
you love can’t bring her back
words are not enough
you can no longer fix the crack

time’s running out her shadow’s fading away
she can no longer hear what you're about to say
she's moving on to a different direction
while you’re fighting the pain of being left alone

life’s not a free way everything comes with a price
when you open your heart be prepared to sacrifice
when you open your door and let someone comes in
hopes might come true or you’re left with broken dreams

no matter what you do
you can’t bring back the time
when she’s right there with you
showing you each missing rhyme

no matter what you do
you love can’t bring her back
words are not enough
you can no longer fix the crack

RMP
08/10/2013

Thursday, August 1, 2013

YOU ARE MY LIVING POEM

“But whoever drinks of the water that I will give him will never be thirsty again. The water that I will give him will become in him a spring of water welling up to eternal life.” John 4:14

You’re an endless stream quenching my inner thirst
A song that soothes my rage when I’m about to burst
When I'm lost in darkness and about to go astray
Your everlasting light will always show the way

I can go anywhere I know I can do anything
You gave me wings to fly so I can keep on dreaming
Whenever I fall, your arms are there to pick me up
When I ran out of options, you fill my empty cup

Your grace is my only home
My Lord, you are my living poem
Your grace is my only home
My Lord, you are my living poem

I am limitless if I have you as my source
Your power to change is the mightiest force
The changing of the seasons no longer bothers me
Your wisdom brings me beyond what my eyes can see

The spring that gives life to every word I write
Though the rebel in me keeps on looking for a fight
Your light won’t leave me even during my darkest hour
I just drop down on my knees to feel your endless power

Your grace is my only home
My Lord, you are my living poem
Your grace is my only home
My Lord, you are my living poem

RMP
1/16/2016
Revised 3/18/2017
Winnipeg MB Canada