Ako’y bano ikaw ay praning
Sabog ating paningin
Ako’y hindi nag-iisa
Sama ka’t babatak na
Sa ilalim ng puting ilaw
May isang buwang
Pipilitin tayong sumigaw
Bago tayo itimbuwang
Ayaw natin ng malungkot
Kaya tayo ay tumitira
Di na nga lang tayo tatanda
Pantay paa tayo’y hihiga
Saan kaya?
Sa ilalim ng puting ilaw
May isang buwang
Pipilitin tayong sumigaw
Bago tayo itimbuwang
Ang ating bantay
Umiikot sa daan
Ang putok ng punglo’y
Dinig kahit na saan
At bumabalik dito sa atin
Tayo ang hanap
Tayo lagi ang hahanapin
Paringgan ng putok at aamin
Aaminin kahit hindi sa atin
Sa ilalim ng puting ilaw
May isang buwang
Pipilitin tayong sumigaw
Bago tayo itimbuwang
RMP
2/18/19
Winnipeg MB Canada
Monday, February 25, 2019
Saturday, February 9, 2019
AANHIN PA ANG TONO
Maglalaro na lang ng mga salita
Wala na rin naman kasing magagawa
Hindi na maghihintay sa pagdating ng tono
Marami mga bagay ang hindi rin sigurado
Papaikutin na lang ang pag-iisip
Kahit bawat araw ay may tamang inip
Magtyatyaga na lang sa pinalayang kataga
Lumipas man ang oras may konting napapala
Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto
Matagal man ang pinagsamahan
Wala rin magiging katuturan
Kung ang laman ng pag-iisip
Ay panay mga panghihinayang
Aanhin pa ang mabubuong kanta
Kung my alinlangan sa bawat letra
Walang maayos na patutunguhan
Kung lagi na lang may mga pagtataka
Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto
Hindi sapat ang haba ng panahon
Upang maging makulay ang mga naipon
Bawat araw laging may taglay na hamon
Hirap ka na pero kailangan pang umahon
Urong, sulong dami nang mga nangyari
Marami nang nagawa marami nang nasabi
Hindi pa makuntento sa mga naitatabi
Ang mga tanong patuloy pa rin sa pagdami
Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto
RMP
2/6/2019
Winnipeg MB Canada
Wala na rin naman kasing magagawa
Hindi na maghihintay sa pagdating ng tono
Marami mga bagay ang hindi rin sigurado
Papaikutin na lang ang pag-iisip
Kahit bawat araw ay may tamang inip
Magtyatyaga na lang sa pinalayang kataga
Lumipas man ang oras may konting napapala
Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto
Matagal man ang pinagsamahan
Wala rin magiging katuturan
Kung ang laman ng pag-iisip
Ay panay mga panghihinayang
Aanhin pa ang mabubuong kanta
Kung my alinlangan sa bawat letra
Walang maayos na patutunguhan
Kung lagi na lang may mga pagtataka
Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto
Hindi sapat ang haba ng panahon
Upang maging makulay ang mga naipon
Bawat araw laging may taglay na hamon
Hirap ka na pero kailangan pang umahon
Urong, sulong dami nang mga nangyari
Marami nang nagawa marami nang nasabi
Hindi pa makuntento sa mga naitatabi
Ang mga tanong patuloy pa rin sa pagdami
Aanhin pa ang tono
Kung hindi naman sigurado
Wala na rin namang magbabago
May mga bagay na di talaga eksakto
RMP
2/6/2019
Winnipeg MB Canada
Subscribe to:
Posts (Atom)