Mura ang almusal sa halip na magdasal
Pero kung umasta akala mo mga banal
Arangkada pa lang siyento bente ang daldal
Kapag nag preno bibig ay nangangatal
Simba ng simba laging samba ng samba
Paglabas ng simbahan tsismoso’t tsismosa
Kahit nasa loob at dumadalo ng misa
Puso at isip may kargadang intriga
Di mapakali laging nakabantay sa mali
Ang pamimintas naka tattoo na sa ugali
Kapag bumuka at may sinabi ang mga labi
Ang tuwid ay maliliko ang buo ay mababali
Daming plastic ngayon, pakalat kalat kung saan-saan
Kahit anong gawing tapon mukhang hindi nababawasan
Tayo man ay maaaring makasama at mapabilang
Kaya huwag nang dumagdag magpakatotoo na lang
Tumutulong daw pero mahilig maningil
Utang na loob ang palagiang panikil
Sa kalilista ay walang katigil-tigil
Karamay pag kaharap pagtalikod ay taksil
Patay na siguro kung nakamamatay ang inggit
Tuwang tuwa kapag ang kapwa ay nagigipit
Kapag umaasenso ang iba ulo ay nag-iinit
Kaya ayun tadtad ng kung anu-anong sakit
Dagdag bawas kapag nag-imbento ng kwento
Tira nang tira kahit hindi siya sigurado
Plastik na consciousness isa na ngang bisyo
Kahit ordinaryo siya o tituladong tao
Daming plastic ngayon, pakalat kalat kung saan-saan
Kahit anong gawing tapon mukhang hindi nababawasan
Tayo man ay maaaring makasama at mapabilang
Kaya huwag nang dumagdag magpakatotoo na lang
Sa trabaho naman sobrang pakialamero
Maka sipsip lang kahit masira kapwa empleyado
Gagawin ang lahat para pangalan ay bumango
Ang insecure talaga gusto lagi siya ang paborito
Pagkakamali niya ay laging isinisisi sa iba
Kapag good shot naman ang credit ay sa kanya
Model employee ang laging puntirya
Kaya hina high blood kapag siya ay nakokontra
Walang kamakamag-anak, walang kaibigan
Kapag nag take-over na ang kanyang kaplastikan
Pinagbuhol-buhol na mga kasinungalingan
Ang umiikot sa kanyang utak gising o tulog man
Daming plastic ngayon, pakalat kalat kung saan-saan
Kahit anong gawing tapon mukhang hindi nababawasan
Tayo man ay maaaring makasama at mapabilang
Kaya huwag nang dumagdag magpakatotoo na lang
Kunwari nakikinig kapag kaibigan ay may problema
Pero ang ngiti sa puso ay umaabot na sa tenga
Hindi pa nga natatapos ang sinasabi sa kanya
Nakahanda na ang script ng kanyang litanya
Nagluluksa ang labas nag slam dance ang loob
Sa gitna ng matinding unos hindi magpapasukob
Ang dapat nakatihaya ay pipiliting itaob
Sa panahon ng digmaan isang MAKAPILING may saklob
Ipagkakanulo ka sa gitna ng kagipitan
Mang-iiwan sa ere para sa sariling kaligtasan
Matapang maghamon nauuna naman sa takbuhan
Kapag di nakuha ang gusto kumakampi sa kalaban
Daming plastic ngayon, pakalat kalat kung saan-saan
Kahit anong gawing tapon mukhang hindi nababawasan
Tayo man ay maaaring makasama at mapabilang
Kaya huwag nang dumagdag magpakatotoo na lang
Mga maka Diyos daw at mga makabayan
Ipapangako ang lahat pagdating ng halalan
Sa bawat talumpati siya’ng tunay na maaasahan
Yun pala sa atin ang buto sa kanya ang laman
Konting linis, konting feeding picture agad
Sa bawat proyekto pangalan ang nakalantad
Madali raw lapitan pero di mo magalugad
Sa nakuhang puwesto matagal na mamumugad
Pulitiko, pilantropo, miyembro ng grupong sibiko
Nagwalis lang ng kapiraso meron nang litrato
Plastic bag ng relief goods may pangalan at logo
Niloloko na ang sarili, dinamay pa ang ibang tao
Daming plastic ngayon, pakalat kalat kung saan-saan
Kahit anong gawing tapon mukhang hindi nababawasan
Tayo man ay maaaring makasama at mapabilang
Kaya huwag nang dumagdag magpakatotoo na lang
Ikaw, ako, tayo pwedeng maging katulad din nila
O sa totoo lang kaplastikan ay ating ginagawa na
Wala namang perpekto bawat isa ay nagkakasala
Ang iwasan lang sana ay maka perhuwisyo ng iba
Yung iba naman kasi wagas ang kaplastikan
Hindi kasi nila nakikita ang kanilang kamalian
Makuha lang ang gusto kahit na maraming masaktan
Dapang dapa ka na hindi ka pa tatantanan
Mapagtanim ng galit hindi mawala ang inggit
Talo pa ang mga adik kung siya’y makapanakit
Kapag pabagsak magsasama ng mahihigit
Sa bawat pagkakamali may handa laging pantakip
Daming plastic ngayon, pakalat kalat kung saan-saan
Kahit anong gawing tapon mukhang hindi nababawasan
Tayo man ay maaaring makasama at mapabilang
Kaya huwag nang dumagdag magpakatotoo na lang
RMP
11/12/17
Winnipeg MB Canada
Friday, November 17, 2017
Wednesday, November 1, 2017
DARK POETRY
“Everyone is a moon, and has a dark side which he never shows to anybody.” Mark Twain
light is projected
reflecting a virtuous life
but hidden from within
a hand’s holding a butcher’s knife
piety is proclaimed
using a borrowed testimony
the lips may speak of love
but the soul drowns in hypocrisy
hell is lurking
behind that sinful smile
a likeness is complete
while the psyche is juvenile
the rhymes we make
display a sacred prophecy
but the truth that is unseen
is our own dark poetry
RMP
10/31/2017
Winnipeg MB Canada
light is projected
reflecting a virtuous life
but hidden from within
a hand’s holding a butcher’s knife
piety is proclaimed
using a borrowed testimony
the lips may speak of love
but the soul drowns in hypocrisy
hell is lurking
behind that sinful smile
a likeness is complete
while the psyche is juvenile
the rhymes we make
display a sacred prophecy
but the truth that is unseen
is our own dark poetry
RMP
10/31/2017
Winnipeg MB Canada
Subscribe to:
Posts (Atom)